Chapter 15

58 2 0
                                    

Caleb's POV

"Tangina?!" malakas na bulaslas ko at napabangon sa higaan nang makitang inaccept nito ang friend request ko.

Walang profile ang account niya at wala ring post ni isa.

Napangiti ako nang may maisip na idea. Agad akong nagdownload ng Instagram at gumawa ng private account para sa mga litrato ni Athalia mula sa camera ko.

allforathalia_c

above all... my love and her.

***

"Ate magkano po iyan?" tanong ko sa tindera nang makitang may cookies and cream sila na ice cream.

Athalia's favorite. Madalas ko na kasi itong nakitang kumakain ng ganitong flavor.

Bumili ako nang dalawa para tig isa kami at nagpatuloy sa paglalakad papuntang school.

Lalagpasan ko na sana ang gate nang maalala iyong binili ko kahapon. Shit nakalimutan ko ata!

Agad ko na hinalughog ang bag ko. Shit. Shit. Shit.

Kalaunan napatigil din nang maramdaman ang presensya sa tabi ko. Wag naman sana multo, aga aga pa eh.

Binalingan ko ito nang tingin at nanlaki ang mata nang makitang si Athalia pala ito.

Ay si lalabs pala 'to eh.

Babatiin ko sana siya nang mapansing wala itong suot na ni isang clip at mukhang malalim ang mga mata.

Halatang may nangyari. Wala ako sa lugar para pilitin siya na sabihin sa'kin kung ano man ang dumadaloy sa utak niya, kaya binigay ko nalang ang ice cream at hair clip na binili ko.

Matchy na tuloy kami ng bebe ko.

Hindi na din nagtagal dumating na ang Intramurals.

Mukhang hindi sanay si Athalia na mababad sa araw kaya todo ang binigay ko na alaga sa kanya.

Pinapaypayan, taga dala ng grape juice na paborito niya at tubig para lang masigurado na hindi siya mauuhaw, ang mga bag namin para hindi siya magpanic na mawawala ang sariling mga gamit niya.

Gusto ko pa nga lagyan ng bimpo likod niya kaso nang ginawa ko iyon muntik na ako ibalibag ni Athalia. Bakit ba kasi ayaw ng bebe ko? Para magmukha siyang baby.

Baby ko!

Kawawa naman kasi eh, kahit anong pilit niya na kaya daw ang sarili hindi ko naman hahayaan na makitang nahihirapan ang bebe ko.

Ako din nagpakain sa kanya, muntik pa ako maiyak kasi ayaw niya talaga sa pagkain na inaalok ko. Nagsisimula na ako magpanic nang sinabi niya na kaya na nito ang sarili eh ang arte arte niya! Naiiyak na ako kasi kung hindi ako sino ang magaalaga sa kanya?!

"Damn, Caleb. Relax okay! Kakain na!" iritadong singhal niya at napahamukipkip.

"Damn, damn ka dyan. Damn damin mo pagmamahal ko." pigil na tawang sabi ko na ikinangiwi niya. Halata sa mukha niya ang disgusto at napairap ngunit kalaunan ngumiti nang nakakaloko.

"Sige." aniya na ikinatigil ng paghalakhak ko. Nakita ko kung paano siya ngumisi at inilapit ang mukha, she drunkly looked at my lips, then to my right eye and left before her eyes focused on mine.

Tangina?

Pinitik ko ang noo niya dahilan para mapaayos siya ng tayo at hinimas ang maliit na airport niya.

"Ow." mahinang daing niya.

"Umayos ka, Athalia ha. Sinasabi ko sayo baka mahalikan kita. Tingin nga kung masakit." tinignan ko ang noo niya at nanlaki ang mata ko nang malakas ako nitong kinurot sa tigiliran.

Timeless Euphoria (Friend Series #3) | ✓Where stories live. Discover now