Chapter 5

65 4 3
                                    

Caleb's POV

"Oh bakit ka umiiyak?" tanong ko sa kaklase ko na babae.

Kanina pa siya umiiyak sa gilid at mukhang walang lumalapit sa kanya. Dahil na din siguro sa masungit na aura nito.

"I want to be the class president so bad," she whined louder.

"You want to be the class president?" I curiously asked.

Bakit ba kasi gustong gusto niya ang posisyon na 'yun? Nakakastress kaya 'yan.

She nodded before looking at me, pleading.

"Can you help me?" bilog na mata niyang pakiusap.

Natigilan ako. Bakit....bakit niya ginagawa 'yan?

Cute.

Wala akong nagawa kundi automatikong napatango.

"Hi, uhm pwede ba si Athalia nalang class president natin? Please?" pakiusap ko sa halos lahat ng aking kaklase.

May ibang umaangal, meron namang tumatango nalang dahil wala naman daw silang pake.

At nung araw ng botohan, walang ni isang nakipaglaban sa pwesto nang pagiging class president kundi si Athalia lang.

Malakas akong napapalakpak. Nang siya ang tinaguriang class president at ako naman ang vice.

We were grade 7 back then.

Hanggang sa siya palagi ang naging class president bawat school year. It was like a curse that cannot be removed.

Her as the class president and I'm her vice.

Nasanay na din akong siya ang palaging kasama ko tuwing meeting o programs. I didn't mind though.

Nung grade 9 kami, naramdaman ko nalang na unti unting nahuhulog ako sa kanya kahit hindi naman niya ako napapansin masyado.

Hindi ko alam, basta nahulog nalang ako.

Balak ko sana magconfess sa kanya nung valentines day noong grade 10 ako kaso natorpe ako bigla.

Ewan ko, ayaw ko lang siguro masira ang pagkakaibigan namin.

Hanggang sa mas pinili ko nalang na maging magkaibigan at kaklase lang kami pero habang tumatagal, mas lumalalim.

Pero ngayong grade 12, babaguhin ko ang prinsipyo ko. I want something more than just classmates.

I want something more than I could think of.

But I didn't think, it would be this fucking hard.

She's like a star and I am here at the surface of the Earth. Ang lapit niya pero ang hirap abutin.

"Huy, inominate ninyo ako as vice president ha! Libre ko kayo after class, hindi promise kasi joke lang!" pakikiusap ko sa mga kaklase ko nang malamang paparating na ang election sa classroom officers.

Mostly half of the class agreed kaya nakampante ako. At halos abot langit ang ngiti ko nang malamang ako ulit vice president niya!

Tubig please, kinikilig ako masyado!

Napalingon ako sa ngumingiting Athalia. Mukhang masaya siya ngayon ah, parehas kami.

"Ma'am, pwede po ba na magkatabi kami ng seat ni Athalia? Kasi diba po ma'am kapag president at vice magkatabi?" pakiusap ko sa adviser namin.

She looked at me teasingly na ikinapula bahagya ng tenga ko.

"Crush mo si Athalia 'no?" nagtaas baba ang manipis at hindi pantay na kilay niya habang nakangisi.

Timeless Euphoria (Friend Series #3) | ✓Where stories live. Discover now