Chapter 29

35 2 0
                                    

Athalia's POV

"Kumusta ka?" tanong ko at marahang hinagod ang buhok niya.

"I'm fine, Athalia." despite her pale face, she still managed to give me a smile.

"Who did this?" pabulong ngunit may diin ang tono ng aking pagtanong.

Nag iwas siya ng tingin sa akin at napalunok. "S-si Tiffany." nauutal na aniya at unti-unting bumuhos ang mga luha.

Anastasia immediately hugged her to calm Amaris down despite her heavy sobs and cries.

Napapikit ako ng mariin at napakuyom ng kamao. "Athalia, please don't do it..."

It was Amaris soft and gentle voice. She knew what plans I have inside my mind and she knew what I am capable of doing.

Scared that I might kill that bitch with my bare hands.

Mabigat akong napabuntong hininga at tumango. "F-fine." labag sa loob ko na sabi.

Amaris continued crying as Anastasia calmed her. Iraia's flight was also today, still can't remember anything.

Anastasia and I didn't bother telling her about Amaris situation. Baka mas lalong lumala ang nangyayari sa kanya.

It was also a good idea of her having a fresh start at a different country.

Nakatayo lang ako doon sa gilid ng kama ng Amaris na umiiyak dahil sa nangyari sa kanya, si Anastasia na hindi alam kung ano ang gagawin, Iraia na lalayo sa amin, at ang sarili ko na hindi alam kung sino ba ang uunahin.

Ang malungkot ba sa pagkawala ng aking kapatid o sa mga nangyayari.

Hindi ko alam.

Pagkatapos ng mabibigat na iyak ni Amaris, nakatulog ito sa bisig ni Anastasia.

I silently left the room and faced Fernan who was waiting for me at the door.

"Senyora." napaayos siya ng tayo nang lumabas ako.

"Did you already took down the video?"

"Yes, senyora." sagot niya

"Ngunit..." he paused and looked at me in concern.

Nagtataka ko siyang tinignan.

"Nalaman ito niya."

Agad akong napahawak sa sintido ng marinig iyon. Damn this.

That Japanese would be hysterical as soon as he confront her.

"Wala na tayong magagawa. Just do whatever you can to stop the spreading of that video." utos ko sa kanya na ikinatango naman nito.

Lalagpasan ko na sana ito ng hawakan ni Fernan ang aking braso. Tinignan ko siya.

"Senyora." pagtawag nito sa akin, nakatingin ng diretso sa mga mata ko.

"Andito lang ako." he gave me a smile.

"I know, Fernan." I gave him a nod and slightly tapped his shoulders.

Nakatitig lang ako sa kawalan habang nakahiga sa kwarto ni Eulalia.

Today is her funeral and I refuse to go. Pakiramdam ko susunod ako sa kanya sa hukay kapag makita ko ang kabaong niya na unti unting binababa.

My phone kept buzzing, everyone was calling and forcing me to attend her funeral, like a final goodbye.

Nothing's new.

In a split second, tears started forming around my eyes until they streamed down my face like a waterfall.

I stayed in that position. Silently sobbing.

Why do I feel like I'm alone in this battlefield? It's like I'm swimming through the darkness, searching for a light of hope but never finding what I need. I am alone.

My eyes started to get heavy and soon enough I just found myself being drowned into a deep slumber.

"Ate..." Napadilat ako ng marinig ang malambing niyang boses.

"Eulalia?! Asan ka?!" I panicked when darkness was clouding my eyes.

Wala akong makita pero dilat ang mga mata ko.

"Ate, andito lang ako sa tabi mo..."

"Eulalia hindi kita makita! Madilim! Lumabas ka please!" I yelled, desperately trying to find her.

"Mahal kita ate Athalia ko." she spoke again.

"Mahal din kita, Eulalia! Please magpakita ka! I missed you!" I screamed on the top of my lungs then suddenly I felt a tight embrace wrapped around my body.

Hindi ko siya makita ngunit ramdam ko ang mainit na yakap ni Eulalia.

"Miss na din kita, ate but you need to move on." she whispered and I felt her touch my face.

"H-hindi ko kaya. Hindi ko kakayanin Eulalia!" umiiyak na saad ko. I  tried moving to be able to touch her but I can't, it was like my body was suddenly paralyzed.

I want to touch her. I want to hug and kiss her cheeks but I can't.

"Yes you can, ate. Forgive yourself and move on. Find happiness in tomorrow's gift. Mahal kita, ate." slowly her hands slipped off my face and she stepped back.

Naramdaman ko iyon.

I panicked.

"Paalam." huling aniya at tuluyang niyakap ako ng malamig na hangin.

"Eulalia!!"

"Athalia!!" agad akong napadilat at bumungad sa akin ang nag aalalang mukha ni Anastasia.

She helped me to sit up straight. Still wearing a black dress, halatang kagagaling lang niya sa isang libing.

"Hindi ka pumunta." panimulang aniya at napaiwas ako ng tingin.

Anastasia sat beside me and gently touched my hand.

"Final exams are coming next week. Tatlong linggo ka ng absent, you need to catch up some lessons Athalia. Kapag bumagsak ka sa exam, maaring matanggal ka sa highest honors list." she said.

"Ayoko na pumasok. Nandoon siya." I stubbornly said.

"Athalia naman! Kapag bumagsak ka, maaring walang university ang tumanggap sa'yo. Alam mo na mahirap iyon!" hindi na mapigilang magtaas ng boses si Anastasia habang sinesermon ako.

"Wala akong pake." pabalang sabi ko.

"Pwes ako may pake sa'yo Athalia! Akala ko ba hindi ko malalaman na hindi ka kumakain ng isang week?! Papatayin mo ba sarili mo?!" iritadong singhal niya at tumayo habang nakapameywang sa harapan ko.

Tinaasan ko siya ng kilay. "Edi mas mabuti."

"Athalia naman! Kung bumagsak ka maiiwan ka!"

"Bakit si Iraia din naman ah!" hindi ko na mapigilang pagtaasan siya ng boses.

She didn't flinch like she always does kapag napagtataasan ng boses. Anastasia narrowed her eyes at me and stared angrily.

"She will take online classes! Iyon ang pangakong sinabi ng daddy niya sa akin! Sa atin! Si Amaris kaya niya magpatuloy pagkatapos ng isang linggong pahinga. Athalia naman eh! Wag mo naman hayaan ang sarili mo please!" she said.

"Kaya ko ang sarili ko, Anastasia."

"Hindi Athalia! Kasi ngayon pa lang pinababayaan mo na sarili mo. Gusto mo sumunod kay Eulalia?! Sa tingin mo ba magugustuhan niya iyon?!" natigilan siya at nanlaking mata na nakatingin sa akin ng mapagtanto ang kanyang mga sinabi.

Her mouth slipped.

"I-i'm sorry." iyon ang huling sinabi niya bago padabog na umalis sa kwarto.

Napahilamos ako sa mukha dahil sa inis.

"Tangina." mahinang bulong ko sa sarili.

Timeless Euphoria (Friend Series #3) | ✓Where stories live. Discover now