Chapter 39

47 1 0
                                    

WARNING: R-18. Read at your own risk.

Athalia's POV

Habang nakahiga ako sa kama, naramdaman ko ang biglang paglabas ng hangin mula sa pagbukas ng pinto ng kwarto ko.

Ang pamilyar na amoy ng kanyang cologne ay tumagos sa hangin, agad na nagpapahiwatig ng kanyang presensya sa akin. Hindi na kailangang tingnan kung sino pa iyon.

"Athalia..." pagtawag sa akin ni Anastasia.

Hindi ako nagsalita para sumagot, napansin niya iyon kaya lumapit siya sa akin.

Ramdam ko ang paglubog ng kama sa likod ko. Mukhang umupo siya sa katabing bakanteng side ng kama dahil nakahiga ako patagilid sa kabilang dulo.

"Isang linggo ka na daw hindi lumalabas sa kwarto mo, tapos halos tatlong araw ka na rin hindi kumakain. Tumawag sa akin si tita, nagtatanong kung may nangyari ba sa'yo. Hindi niya magawang pumasok kasi baka daw magalit ka." pagkwento niya sa akin.

"May nangyari ba Athalia na hindi namin alam? Hindi ka din nagkwekwento sa amin kaya nag aalala kami para sa'yo."

I felt her gentle hand caressing my hair. Umiling ako sa kanya.

"Gusto mo ba si Amaris pa mismo pumunta dito? I texted her so she will arrive any minute."

"Pigilan mo siya. Baka hanapin siya ni Artemis kapag pumunta pa siya dito." sabi ko at bumuntong hininga.

Nakatalikod pa rin ako sa kanya at kalaunan gumalaw ang kama hanggang sa naramdaman ko ang pagtabi niya sa akin. Halatang nakasandal ito sa head board ng kama at nilalaro ang buhok ko.

"Athalia may problema ba? Hmmm?" malambing na tanong niya.

"Sarili ko. I am the problem, Anastasia." I confessed.

"Bakit? Paano mo nasabi?"

"I'm a problematic person. Kaya siguro nilalayo sa akin ang mga taong mahal ko sa buhay bilang karma sa mga pagpatay na ginagawa ko."

"Don't say that. Everything happens for a reason."

I sighed in defeat.

"It is what it is. Iiwan na ako ni Caleb. He will never forgive me." a lone tear escaped my eye.

"I doubt that,"

"I waited! For five years, I hoped na mababalik ko ang dating meron kami. Pero nagkamali ako. He loved another woman, nakaya niya iyon samantalang ako hindi. No man after him." sabi ko sa basag na boses.

"Just give him time, Athalia."

"Hahayaan ko naman talaga siyang umalis e. Kaso masakit, sobrang sakit. Sinubukan ko kunin siya pabalik, pero wala e. Talo na ako, mahal niya e." dugtong ko pa.

"Kung hindi ka na niya mahal, nandito kami para ipakita sa iyo ang lahat ng pagmamahal na nararapat para sa iyo at punan ang kawalan na iyon, Athalia," Anastasia assured in a comforting voice.

The bed seemed to shift slightly as her arms snaked around my frame from behind, pulling me into her comforting embrace.

"You don't have to carry the burden of feeling unloved alone. You are more than what you think, Athalia."

"You taught yourself everything, but not to value your own feelings and emotions."

"Being the eldest daughter, you took the weight of responsibility as the protector to everyone around you. You carried burdens that wasn't even yours to carry. Just because you carry it so well doesn't mean it was not heavy."

"Others first before yourself. The inability to show emotions became your coping mechanism to look stronger. Kasi iniisip mo na ito ay isang kahinaan. Inorder to protect yourself from pain, you neglect your feelings and emotions."

Timeless Euphoria (Friend Series #3) | ✓Where stories live. Discover now