Chapter 9

67 3 0
                                    

TRIGGER WARNING!! THIS CHAPTER CONTAINS G*NS, B**DSH*TS, KN*VES,AND D*ATH. PLEASE SKIP THIS CHAPTER IF YOU FEEL UNCOMFORTABLE. READ AT YOUR OWN RISK.

Athalia's POV

Days passed by and the camping was finally over. Caleb and I were already preparing our shots for the upcoming Intramurals.

Magkakaroon kasi ng pageant from different schools at dito mismo sa campus namin gaganapin.

"Tara food court tayo, libre ko." napalingon ako kay Caleb ng bigla siyang magyaya.

I was about to hesitate his offer but he already dragged my hand out of the campus to the food court.

Habang naglalakad sa gilid ng daan, nakatutok ang mga mata ko sa camera. I was scanning my shots when suddenly Caleb grabbed my waist.

Nanlaki ang mata ko ng inilipat niya ako sa kabila.

"Dito ka nga! Baka masapul ka pa ih, kung gusto mo magpakamatay magsabi ka lang pres." iritadong aniya.

"Don't be shy kasi ako pa mismo magtutulak sa'yo kaso..."

"...Wag muna. Hindi pa kita pinapakasalan eh. Saka na." dugtong na aniya.

I was speechless. Sunod sunod na sabi niya habang nakanganga lang ako.

Inaano ko ba siya?!

Nauna siyang pumila sa may bbq stall. Habang nakatayo lang ako sa likod niya habang tumitingin sa paligid. Nagulat ako ng bigla niya akong nilingon.

He looked at my direction, eyes asking for something.

"Anong gusto mo, bbq or maging bbq?" he asked with an amused smile.

Rinig ko ang bahagyang pag ubo ng tindera at iba pang students na malapit sa amin.

Muntik ko na ibalibag si Caleb sa kagaguhan niya.

"Kahit ano." sagot ko.

Pagkatapos niya bumili naghanap kami ng upuan para sa dalawa sa hindi kalayuan.

"Hindi ba si Anastasia 'yan? Tapos kasama si... sino yan?" he narrowed his eyes while looking at the other table.

Nilingon ko ito at hindi ko mapigilang mapangisi ng makita si Xaven at Anastasia sa hindi kalayuan, kumakain din.

Lumipat ako ng upuan sa tabi ni Caleb para maayos na matignan sila Anastasia. Mukhang hindi nila kami mapapansin dahil may kalayuan ang table namin.

"Si Xaven 'yan noh? Ang kambal ni Amaris?" mahinang bulong ng katabi ko sa kalagitnaan ng pagkain.

"Paano mo nalaman?" tanong ko pabalik.

"I have my ways." nakangising aniya habang nakatingin sa'kin at nagtataas baba ang kilay.

"Siraulo."

Xaven was narrowing his eyes at the kwek-kwek served by Anastasia. May kung ano siyang sinabi na ikinakunot ang noo ni Anastasia.

Muntikan nang maibuga sa akin ang kinakain ni Caleb ng makita kung paano marahas na pinasubo ni Anastasia kay Xaven 'yung buong kwek-kwek.

Mukha tuloy silang sira na parehas umuubo ubo.

Tinawanan ko muna siya bago binigay sa kanya ang juice ko at nagpatuloy sa pagkain.

"Tangina, muntik na ako mapunta sa langit." he sigh in relief.

I licked my lips when the sauce dripped.

"Ako din pres, padilaan mo." he pointed the sauce beside his lips before pouting it.

Timeless Euphoria (Friend Series #3) | ✓Where stories live. Discover now