Chapter 10

77 4 0
                                    

Caleb's POV

"Paps paheram po ako ng camera." Paalam ko habang naghahalughog ng mga camera sa box.

"Naghahanap ka na eh, alangan naman kita pigilan." sarkastikong saad nito.

"Thanks paps!" ngiti ko.

Kinabukasan sabi ni Lucas nakapaskil nadaw 'yung results sa mga napiling students para sa journalism.

Malawak ang ngiti ko nang makitang nandun ang pangalan ko at ni Athalia.

"Hay... destiny talaga kami. Tignan mo magkasunod pa pangalan namin. Tsk tsk." mahinang bulong ko sa sarili.

"Congrats, see you sa training." huling sabi niya bago ako nilagpasan nang ipaalam ko sa kanya tungkol sa results.

Ouch.

Akala ko pa naman gagantihan niya ako ng yakap. Di bale na, sa susunod ikikiss ko na siya.

Pagdating ko sa room agad akong hinila ni Lucas papunta sa tabi niya.

"Huy alam mo ba...." andami niyang sinabi na chismis. Daig pa ata mga babae na kaklase namin kung makachika.

Napalingon ako sa may pinto nang maramdaman ang isang titig. Bahagyang nagulat ako ng makita si Athalia na nakatitig sa'kin.

Shit. Crush niya rin ba ako?

Tinawag ko siya upang umupo sa upuan namin.

Hehe, kinikilig ako basta katabi siya. Nagkakaroon tuloy ako ng maraming energy sa klase kapag katabi siya.

Dapat masipag ako mag aral. Para sa future ko.... at namin.

"I like your piercings." sheyt english.

"Salamat." napangiti ako nang makitang bahagyang namula ang pisnge niya.

"Pres, libre mo naman ako sa tusok-tusok." kanina ko pa talaga siya kinukulit.

Matigas eh. Pero hindi ko mapigilang mapangiti sa tuwa nang pumayag na siya.

Worth it din ang pangungulit ko sa kanya ng 45 kabeses.

"Malapit na ang undas ah, wala ka bang dadalawin?" tanong niya.

"Dalawin ko sarili ko, tutal patay na patay naman ako sayo." sabi ko habang ngumunguya.

"Gago!" singhal niya na ikinangisi ko.

Totoo kaya! Kung hindi lang siya sobrang manhid eh.

Siguro nung umuulan ng kamanhiran, naliligo siya.

At kung hindi ba naman nakakabwesit, nasamid pa ako. Buti nalang at agad akong nilaharan ni aleng tindera ng palamig.

Damot kasi ni Athalia!

Kung hindi ko lang siya mahal, baka nasampal ko na. Pero syempre joke lang 'yun.

"Caleb may groupings tayo, sali ka sa'min." pagyaya sa'kin ng isa kong kaklase.

"Wag na. Kay Athalia lang ako." ngumiti ako sa kanila at kita ko ang kadismayahan nito.

Asan na ba kasi si Athalia. Kanina pa wala dito eh, late nanaman siya.

Lumabas muna ako ng classroom para hanapin siya.

"Pres!" tawag ko ng makita na siya pagkatapos ng halos tatlong minutong paghahanap.

"Ano nanaman?"

Natigilan ako ng mapansin na hindi maayos ang lagay ng clips niya.

Isa sa mga bagay na napapansin ko kay Athalia ay mahilig siya sa mga headbands, clips, clamps, at iba pang mga accessories.

Timeless Euphoria (Friend Series #3) | ✓Where stories live. Discover now