Chapter 45

31 1 0
                                    

Caleb's POV

"Maaga tayong uuwi ngayon. Sasamahan kita pauwi, Caleb." si Lucas iyon habang naglalakad kami papuntang gate matapos ang last subject namin ngayong araw.

"Yeah," Maikling sagot ko nang biglang makaramdam ng mga matang nakatingin sa akin.

Lumingon ako sa paligid at sa hindi inaasahang pagkakataon ay nahuli ko ang mga mata niya.

Huminto ako sa paglalakad at hindi agad iyon napansin ni Lucas.

My Athalia...

My beloved girlfriend.

Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin makumbinsi ang sarili ko kung paanong ang mga mata na minsang tumingin sa akin na puno ng pagmamahal ay nababalot ng galit at poot.

Her eyes were soulless, a side of her that I haven't seen.

Hindi ko maintindihan kung paano siya naniwala na kaya kong pumatay ng isang tao, at higit pa, ang kanyang sariling kapatid na babae.

Hindi pa ba sapat ang lahat ng nagawa ko at lahat ng ipinakita ko sa kanya para ipaunawa sa kanya na mahal ko siya?

She does know me so damn well, that for her I would ruin myself.

Pero mas lalong hindi ko maintindihan ang sarili ko. I should've hate her for accusing me without knowing my side but damn this stupid heart still beats for her everytime our eyes met.

Its like I am seeing her way back in grade 7 crying on the side, hindi ko makakalimutan ang araw na iyon, kung paano ako nahulog sa kanya ng sobra pa sa inaasahan ko.

Yung tipong nararamdaman ko kapag malapit siya sa akin o hindi.

Ang galing niya e. Alam niya kung paano ako kunin at saktan. Pero sa kabila ng lahat, ni minsan hindi ko siya kayang tignan ng galit at poot.

My love for her was overflowing beyond any possible comprehension to the point that I can't bring myself to hate her.

Mahal ko eh. Sobra.

"Caleb tara na," pagtawag sa akin ni Lucas kaya umiwas ako ng tingin sa kanya.

"Susunod ako," sabi ko at sinumulang maglakad palabas ng gate.

Nararamdaman ko ang pagtabi sa akin ni Lucas at bahagyang pagtapik sa balikat ko.

"Magiging okay din kayo," aniya.

Pilit akong ngumiti. "Sana."

Days passed by in a swift move then graduation came and luckily I graduated with an average of 90, still with honors.

Buti nalang at binigyan ako ng palugit ng ibang teachers nang malaman ang nangyari.

Sinubukan ni Paps kausapin ang mga teachers na bigyan ako ng pagkakataon humabol sa klase. Pumayag sila pero dahil kalahati sa grades ko napunta kay Athalia, kadalasan sa mga grades ko ay 80 pataas.

"Congratulations, you made it." nakangising sabi ni Paps habang inaayos ang medal ko.

"I will make you proud, Paps." I swore.

"Kahit hindi na, ayusin mo lang ang pag-aaral mo at makapagtapos ka para makahanap ng magandang trabaho."

"I will."

"Good. Andito si Athalia, gusto mo ba siya kausapin?" anunsyo niya na ikinatigil ko.

Bigla akong nakaramdam ng hindi mapakali at may bumara sa lalamunan ko na nagpatigil sa pagsagot sa tanong niya.

Mukhang nahalata niya iyon.

"Its okay. Puntahan mo kaya ang gift ko sayo sa likod ng building. Tignan mo kung nagustuhan mo." sabi niya na ikinalaki ng mata ko sa gulat.

Timeless Euphoria (Friend Series #3) | ✓Where stories live. Discover now