Chapter 46

23 1 0
                                    

Caleb's POV

"Gago dude, nandito si Athalia!"

Agad akong napabalikwas ng bangon sa kinauupuan na swivel chair at matalim na tinignan si Lucas na nakavideo call sa akin.

"Ano?" iritadong sabi ko at tumingin sa salamin ng office ko.

Bahagyang kulubot ang polo shirt na suot ko na medyo gusgusin at magulo ang hitsura.

Ang una kong reaksyon ay ayusin ito.

Kinuha ko ang ilang sandali upang pakinisin ang mga wrinkles, tinitiyak na kapag lumabas ako ng silid, ang aking damit ay magpapakitang mas presentable at maayos.

Teka, naeexcite ako gago.

"Nakita ko sa CCTV ang pagdating niya, tangina pre haba ng buhok ah, sinusundo ka na ng bebe mo. Sanaol nalang." panunukso pa niya at tumawa.

"Ulol pre, maiinggit ka dyan." ngumisi ako.

"Sasalibungin ko siya sa hallway. Salamat pre," mabilis kong sabi at naglagay ng pabango bago bumuntong hininga para buksan ang pinto.

Shit, ito na!

"Athalia?" kunwareng gulat na sabi ko.

"Caleb!" gulat na aniya, tila ba hindi inaasahan ang presensya ko.

Pinasadahan ko ng tingin ang damit niya at hindi mapigilang mamangha kung paano niya damitan ang sarili.

She's so good at knowing her personal colors and styling it in a way that suits her body shape.

Her dazzling purple eyes complimented herself more. I am not surprised seeing her rare eye color.

Nakita ko na ito dati sa school, nung akala ko nakasuot siya ng contact lenses pero nang sinundan ko siya, narinig ko ang usapan ni ni Amaris tungkol sa black contacts. Hindi ako slow para hindi agad maintindihan na nagsusuot si Athalia ng black contacts para itago ang orihinal na kulay.

I didn't bother confronting it to her since it looks like she is not comfortable talking about it. So I just let her hide it, and now I'm happy that she is confident with it.

Ang ganda ng Athalia ko.

Pero mas nag-alala ako sa suot niyang heels. Hindi kaya siya kawawa lalo na at mataas ito at nasa site kami?

But its okay, as long as I'm here, I can guarantee her safety.

"Anong ginagawa mo?" kunwareng malamig na tugon ko.

I must act according to plan.

"Oh! I bought you lunch! I prepared these kanina, with effort." giit nito.

I just simply walked away, kunwareng nonchalant muna kahit na gustong yakapin ko na siya agad.

Play hard to get ganun. Yun ang nakikita ko sa Tiktok recently sa feed ko.

Marami na siguro akong awards kung naging artista lang ako kasi ang galing ng acting skills ko.

Okay na sana eh, hahabulin na sana ako ni Athalia para mag lunch kung hindi lang bwesit si Lucas at bida-bidang sumama sa usapan.

Ang kapal ng mukha! Grabe! Kita ko ang nakakalokong ngisi niya sa labi nang sinabihan siya na 'gwapo' ni Athalia.

Tss, mukha siyang unggoy. Magsama sila nang kausap ni Athalia nung graduation.

Masyadong napasaya ata sila sa usapan at nakalimutang ako ang main character dito sa scene na 'to.

Taksil!

Malakas akong tumikhim at madilim na tinignan si Lucas.

Halatang hindi pa siya nakuntento sa pang-aasar at pati yung lunchbox na para sa akin tinanong niya.

Timeless Euphoria (Friend Series #3) | ✓Where stories live. Discover now