Chapter 4

68 3 0
                                    

Athalia's POV

"Athalia!" malakas na sigaw ni dad sa saktong pagpasok ko ng mansion.

I placed my arms over my chest while walking towards him.

Nakapikit ang mga mata niya at nakakunot ang noo habang nakahawak sa sintido.

Mukha tuloy siyang natatae na ewan.

I pressed my lips trying to hold a laugh about my thought.

"Zavisha Athalia, kailan mo ba tatantanan ang pagsasama kay Eulalia sa mga misyon mo? It was assigned to you! Hindi kasali sa usapan ang kapatid mo!" sermon niya sa'kin.

"It's not like I can't protect her dad! She won't die in my hands like what you always think!" iritadong depensa ko sa sarili.

"Hindi ko sinasabing hindi mo siya kayang protektahan, ang sinasabi ko lang  ay hindi sa lahat ng pagkakataon maari mo siyang mailigtas laban sa kapahamakan. Kaya nga may mga tauhan tayo para sa dobleng pagiingat tapos ikaw padalos dalos lang?!" hindi makapaniwalang sigaw niya.

"She won't die as long as I am here. I can protect her in anyway, even if it means letting myself be killed." matigas na sabi ko bago siya tinalikuran.

I heard his heavy sigh. Napailing ako.

Padabog akong naglakad papunta sa kwarto ko sa taas nang bumungad sa'kin si mommy.

"You know for once, your father is right. You shouldn't have brought Eulalia with you, paano nalang kung napahamak ang bata?" bungad na sermon sa'kin ni mommy pagpasok ko ng kwarto.

Wearing a backless red dress, she was sitting on my bed while holding on her wine with one hand as her back faced me.

I leaned on the door frame before crossing my arms.

"So you care about Eulalia now?" I asked in a teasingly tone.

She sipped on her wine before gazing her eyes at me. Then she stood up, "Of course not,"

"It seems like you do care for Eulalia. Just drop the act mom, it's written in your eyes," I smirked.

"I'm a human Athalia, of course I care about the people inside this house," she defended while walking towards me. Her eyes fixed on me.

"You don't care about dad." I said in a matter of fact tone.

"Ibang usapan na 'yan." aniya bago ako nilagpasan at tuluyang lumabas ng kwarto.

***

Maaga ko na napagdesisyunan na pumasok sa school.

Sakto at wala pang masyadong tao sa campus. Naglakad ako papunta sa room namin at naabutan si Caleb na nakayuko sa desk.

Halatang napansin niya ang presensya ko dahilan para mag angat siya ng tingin.

Bumungad sa'kin ang kanyang berdeng mga mata.

Berdeng mata....

Gulat niya akong tinignan bago tinuro ang mga mata ko.

Could it be... fuck.

"Ehhh??? Naka contact lens ka?!" gulat na aniya.

Shit.

"O-oo! Nag costplay kasi ako kagabi at mukhang nakalimutan ko tanggalin ang lens nung natulog agad ako." awkward ko siyang nginitian bago mabilis na tumakbo papuntang CR.

Sinubukan kong maghanap ng anumang extrang itim na contact lens sa aking bag ngunit napagtanto ko na nakalimutan kong mag-empake ng dagdag.

Napahilamos ako sa inis. I glanced at the mirror as one set of purple eyes stared back at me.

Timeless Euphoria (Friend Series #3) | ✓Where stories live. Discover now