Caleb's POV
"Caleb!" hay, ang sarap pakinggan kapag tinatawag ang pangalan ko ng mahal ko.
"Ano iyon, boss?"
"May meeting tayo sa classroom bakit ka nasa canteen?" iritadong bungad niya habang nakakunot ang noo.
"I forgot." napapikit siya nang mariin bago ako kinaladkad papuntang classroom namin.
Aga aga galit ang bebe.
***
"Caleb patulong." mahinang bulong ni Athalia sa'kin habang nakahawak sa manggas ng aking uniform.
Napatingin ako sa direksyon niya at mukhang nahihirapan siya sa kanyang ginagawang make up.
Mabilis ko itong inasikaso at ipinasawalang bahala muna ang assignment namin.
Siya muna unahin ko.
"Ako na." kinuha ko sa kanya ang bag na dala niya at saka inakbayan si Athalia. Uwian na kasi at magkasabay kaming uuwi ng mahal ko.
"Gusto mo food court?" nakangiting pagyaya ko.
Halata kasi sa mukha niya na nasstress siya. Hindi niya ako pinansin at nagpatuloy lang sa paglalakad. Mukhang nalulunod ito sa sariling mga iniisip.
Mabilis ko na hinalikan ang pisnge niya dahilan para mabalik siya sa reyalidad.
"H-huh?" nauutal na aniya at tumingin sa'kin.
"Ice cream tayo, mahal ko." mahinang boses na sabi ko sa kanya at tahimik siyang tumango.
"You like cookies and cream flavor?" rinig kong tanong niya ng mapansing magkaparehas kami ng flavor na binili.
Tumango ako at ngumiti. "Yeah, since I noticed it was your favorite, I started loving it as much as you do."
I saw how her lips curved up into an amusing smile, pero sa kabila nito, kita ko ang lungkot sa mga mata niya. Para bang pinipilit niyang magmukhang matapang at balewalain ang sariling nararamdaman para lang hindi masira ang moment namin.
"Anong problema natin, mahal ko?" nagtatakang tanong ko at hinarap siya.
"Si Iraia."
"Hmm? Bakit?"
"She's acting odd lately. Baka mayroong nangyayari sa kanya at hindi nagsasabi sa'kin o sa amin. Despite her noisy personality, she always hides her problems with everyone... even from us." aniya habang nakatingin ng diretso sa'kin.
"Don't worry. I'll look out for her so you wouldn't have to worry too much." sabi ko at marahang hinalikan ang noo niya.
At totoo nga ang sinabi niya. Madalas ko na makita si Iraia na umiiyak at lahat ng ito ay iisang dahilan lang.
Si Dux.
The last time I saw her cry was when she was walking in the middle of the road at night.
I told Athalia about it immediately. She just nodded at me and thanked me for looking out for her.
"Of course. Basta para sa'yo, lahat gagawin ko." nakangising sabi ko dahilan para mapairap siya.
Napatawa ako. Mukha talaga siyang pikon na rabbit kapag nagtataray o nagsusuplada siya.
"Jowa mo na pala si Athalia?" tanong ng isang kaklase ko na ikinakunot ng aking noo.
Kakatapos lang ng klase namin at recess time na. Mabilis na lumabas si Athalia dahil pupuntahan daw niya si Amaris.
Naiwan lang muna ako sa room dahil sa ginagawa ko na assignment namin ni Athalia nang may asungot na tumabi at umupo sa inuupuan ng boss ko.
"Girlfriend pre. GIRLFRIEND." madiing pagtatama ko sa nakakadiring salita at tono ng kanyang boses.
"Utilize appropriate language and pronunciation, especially when addressing my girlfriend." seryosong saad ko na walang halong biro.
Inirapan ko siya bago tumayo at naglakad paalis. Sarap niya ibalibag sa wall tapos mas maganda kung hindi na siya magigising.
"Si Athalia lang ang nag iisa sa puso ko!" proud na sabi ko habang naglalakad kami ni Lucas papuntang canteen.
"Ako ang pinili sa dami ng ibang lalaking nakapila sa kanya. Baka ako lang 'to." pagyayabang ko kay Lucas na ikinangiwi niya.
"Hindi ko akalain na si Athalia lang pala ang kulang sa buhay ko. Grabe.... masaya na ang bawat araw ko." napahawak pa ako sa puso at nagpunas ng kunwareng luha sa mata.
"Alam mo pre, kulang lang iyan sa tulog." pambabara na sabi ni Lucas.
"Ito ka oh." sabi ko at itinaas ang middle finger.
"Hi!" agad kaming napatigil sa paglalakad ng may babaeng mula sa ibang grade level na humarang sa dinadaanan namin.
"Hello!" nakangiting bati pabalik ni Lucas.
"Pinapabigay po sa'yo." mabilis na aniya at nilahad ang isang box kay Lucas bago mabilis na kumaripas ng takbo.
Napatanga kaming dalawa. Anyare?
"Finally may secret admirer na ako." mangiyak ngiyak na sabi ng gago habang manghang nakatingin sa box na nasa kamay niya na galing sa bata kanina.
Mabilis niya itong binuksan at agad ding napangiwi ng makita ang isang deldo.
Agad akong napahalampak sa tawa habang pumapalo pa sa balikat niya.
"Pre, ibang klaseng secret admirer yan ah." pang aasar ko sa kaniya at mabilis niya naman itong itinago dahil sa takot na baka may makakita dito.
"Punyeta ka talaga, Caleb." pikon na aniya.
"Goodmorning sa malditang baby ko na sobrang ganda." nakangiting pagbati ko kay Athalia ng pumasok siya sa room.
"Ewan ko sa'yo." napairap siya pero hindi nawala ang tingin ko sa tinatago niyang ngiti.
Sus, kinikilig ka lang eh.
"Alam mo bang sobrang ganda mo Athalia? As in sobra pa sa sobra. Kasing ganda mo iyong 'Dancing Fairies' noong 1866."
Nakita ko ang bahagyang pamumula ng pisnge niya sa kabila ng nakakunot na noo nito.
She just raised her middle finger at me didn't say anything.
"Alam mo bang inis na inis na ako sa puso ko." pagkwento ko kay Athalia.
"Bakit?" tanong niya habang nakataas ang kilay.
"Kasi puso ko 'to eh, akala ko tumitibok ito para sa'kin pero...."
"... Para sa'yo pala."
Nakangiting hugot ko habang nakafinger heart kay Athalia.
She just smiled at me and raised her middle finger.
I laughed at her. Damn this woman of mine.
You:
Boss, nakauwi ka na?Bossing😎:
Not yet. OTW.You:
Ingat ka ha? Ayokong
may mangyari sayo.
Gusto ko satin lang.Hindi niya ako nireplayan pero nagseen siya.
You:
Luh, sineen lang ako.
May pagtingin ka
talaga sa'kin 'noh?Bossing😎:
Yeah, whatever love.Shit. Shit. Agad ko na nabitawan ang cellphone ko ng makita ang text niya.
Ibinaon ko ang mukha ko sa unan at malakas na tumili. Tangina, kinikilig ako!
_______
A/N: Nakita ko tong mga hugot sa tiktok, BWHHAHAHAHA. Credits sa rightful owners.
YOU ARE READING
Timeless Euphoria (Friend Series #3) | ✓
RomanceFriend Series #3 The charming and idealistic ABM student, Caleb Dawson Salvarino met the wealthy and prominent eldest daughter, Zavisha Athalia Laure from the same strand. With his pure intentions and her initial hesitations, can the golden Caleb Da...