Chapter 43

29 1 0
                                    

Athalia's POV

Ang amoy ng nilutong bacon at itlog ang gumising sa akin mula sa mahimbing na pagkakatulog. Napatingin ako sa gilid ko at nakita kong wala na si Caleb sa tabi ko.

Bumangon ako mula sa couch at pumunta sa kusina kung saan naririnig ko ang kalabog ng mga kagamitan sa kusina at mga pagkaing niluluto.

Pagdating ko, nakita ko si Caleb na naka-topless, nakatalikod sa akin, habang abala siya sa mga tungkulin sa pagluluto. Nakabalot siya ng apron, panay ang atensyon sa paghahanda ng pagkain.

Mukhang napansin niya ang titig ko kaya binalingan niya ako ng tingin.

"Good morning, gorgeous! I cooked breakfast, kain na tayo!" he smiled and turned to me.

Inilapag niya muna sa mesa ang dalawang platong hawak niya na may lamang bacon at egg. Nakahanda na din ang mesa para sa aming dalawa.

He went near me after finishing setting up the table, grabbing my waist and showering my face with his light kisses then cupped my face, slightly squeezing my cheeks.

"I'm sorry, I slept," he said, referring about last night na ikinangiwi ko.

"Don't apologize, its okay. Naiintindihan ko naman," I gave him a warm smile of assurance.

"Ang swerte ko naman sa'yo mahal ko," kinikilig na aniya.

"Tss, ako lang 'to," I gave him a playful smirk and winked.

"Ay wag mo'ko maganyan, baka makama kita," pagbabanta niya ng nakangisi.

"Its early in the morning Caleb, stop that," I rolled my eyes at him.

He chuckled.

"I like it when you do that, especially in bed," he winked before pulling me to the table.

Ang landi grabe!

Caleb graciously pulled out a chair for me, and I proceeded to accept his thoughtful gesture with a smile.

Then, instead of choosing to sit across from me, he pulled up a chair to sit next to me, choosing to stay nearby.

I gave him a side-eye.

"What? Gusto ko lang katabi ka palagi," he shrugged like a kid before putting rice on my plate.

"I cooked you some bacon and fried pork since you don't like eggs." aniya.

Tumango ako.

"Say ahhh..." nakangiting sabi niya habang nakataas ang kutsara na may laman na kanin, bacon, at pork, balak niya itong isubo sa akin. He even made airplane sounds as if he was feeding a baby.

"I can feed myself, Caleb," I said in a matter of fact tone.

"Alam ko. I just want to feed my baby,"

"Cringe," walang emosyong sabi ko.

"Hey!" Caleb scoffed, slightly offended.

"You don't love me," umirap na sabi niya pa at ibinaba ang kutsara sa plato ko.

Bahagyang umusog siya palayo sa akin at ibinaba ang ulo para kumain.

Naririnig ko pa ang mahihinang hikbi niya habang sinusubuan ang sarili.

"She doesn't love me anymore," mahihinang bulong pa niya sa sarili.

He's such a big baby himself!

I sighed in defeat.

"Fine,"

Umangat ang tingin niya sa akin, namumula ang mata at may kaunting kanin pa na kumakalat sa gilid ng bibig niya.

Timeless Euphoria (Friend Series #3) | ✓Where stories live. Discover now