Chapter 32 Escape

167 6 2
                                    


" Daddy can I see Mom?" Tanong ni Keil

Napatigil siya sa ginagawa saka hinarap ito.

" Gusto mong makita ang Mommy mo?"  He asked him again. He was expecting na galit ito kay Ash.

" Yes Dad I miss him"

"I thought galit ka sa kanya"

" I'm not nasabi ko lang yun dahil nasasaktan ako. I can't hate Mom because I love him"

" You can't love him. You must hate him" nag iba ang aura sa mukha niya.  Hinawakan niya si Keil sa magkabilang braso.

" Dad nasasaktan ako"

" Listen to me from now on hindi ka pwedeng makipag usap sa kanya"  napaiyak nalang si Keil habang iniinda ang sakit mula sa pagkakahawak nito.

" Eiji anong ginagawa mo?" 

Napatakbo si Liam papalapit sa kanila.Kinarga niya si Keil at inilayo dito.

" Are you out of your mind"

" Uncle Liam"

Iniakyat niya ang bata sa taas at saka sinubukang patahanin.

Kinabukasan narinig ni Ash ang mga nangyari ng hindi sinasadya nitong marinig ang pinag uusapan nina Jam at Tina. Dali dali siyang pumasok sa bahay at hinanap si Eiji.

" Bakit ka nandito?"  Tanong nito malayo palang nagkakasalubong na ang kanyang dalawang kilay ng makita siya.

Nakakuyom ang kamao ni Ash habang nakatago yun sa kanyang likuran. He throw a strong punch at tumama yun sa mukha ni Eiji.

" Sa susunod na saktan mo ang anak mo. Hindi ako magdadalawang isip na patayin ka"

Ngumiti lang ito at tinapunan siya ng matalim na tingin.

" Kaya mo ba talaga akong patayin?" 

" Bakit iniisip mo ba na hindi ko kayang gawin yun? Kaya kong pumatay para sa kanya. Huwag mo akong susubukan Eiji Yap "

Nanlilisik ang mga mata nito sa galit. Sa unang pagkakataon makaramdam ng takot si Eiji.

" My bad hindi na mauulit yun"  sambit niya he's words is empty at wala man lang pagsisisi.

"  Eiji mahal mo ba ang anak natin o hindi?" 

" Mahal? He is just my instrument to control you. As long as he is your weakness may pakinabang siya sa akin.  I also tried to love him pero kapag nakikita ko siya hindi ko maiwasang hindi magalit minsan. He resemble you kaya kasalanan mo kung ano man ang mga bagay na magagawa ko sa kanya. It's all your fault Ash Heartfellia"

Kinagabihan

" Jam tulog na ba si Kiel?" 

"Yes sir kanina pa po. Ito po yung alak na pinapakuha niyo"

"Thank you pwede na kayong magpahinga"

Nagsalin siya ng alak sa baso at nagsimulang uminom. He took a cigarettes on his pocket saka yun sinindihan.

Habang nasa gitna ng pag iisip bigla niyang naalala ang mukha ni Keil. Binaba niya ang baso saka umakyat sa taas.

Sinilip niya si Keil sa kanyang room pero laking gulat niya ng hindi makita ang anak sa kama.

"Keil "  tawag niya pinuntahan niya ang cr pero wala doon ang anak.

Dali dali siyang bumaba at sinubukan itong hanapin sa buong bahay.

" Sir may problema ba?"  Tanong ni Jack

" Hanapin niyo ang anak ko" utos niya

Bumalik siya sa loob at kumatok sa kwarto nina Tina at Jam. Agad naman nilang binuksan ang pinto.

" Sir bakit?" 

" Na saan ang anak ko?" Pasigaw niyang tanong.

" Sir sigurado akong nasa kwarto lang siya. Natutulog siya ng iwan ko kanina"

" Fuck" mura nito

Bumalik siya sa taas this time pumasok siya sa kwarto ni Ash. Doon nalang niya nalaman na tumakas ito kasama si Keil.

" Sai, Jack hanapin niyo sila siguradong hindi pa nakakalayo ang mga yun"

" Yes sir"

" Kayong dalawa tumulong din kayo. Walang babalik dito hanggat hindi sila nakikita"

Agad naman kumilos ang apat. He punch the table kaya nabasag yun. Mula sa taas  maririnig ang malakas na sigaw ni Eiji kaya napabangon si Liam para alamin ang nangyayari.

" Anong ginawa mo?"  Napatakbo siya ng makitang duguan ang kamay ni Eiji.

Nabasag ang glass table na nasa sala.  Kumuha siya ng first aide kit at agad yung ginamot.

" Liam sabihin mo nga. Wala ka bang kinalaman sa pagtakas ng mag ina ko?"

" Sa tingin mo tutulungan ko silang makatakas. I won't do that alam kong ikakagalit mo yun"  tugon niya bigla siyang hinawakan ni Eiji sa leeg.

" Ano ba binatawan mo ako. Nasasaktan ako" mas lalo nitong diniinan ang pagkakahawak sa kanya, unti unti siyang sinasakal nito.

" Ang pinakaayaw ko sa lahat ay yung sinungaling" binatawan siya ni Eiji agad naman siyang lumanghap ng hangin.

" Saan ka pupunta?" 

" Hahanapin ko sila at kapag nalaman ko na tinulungan mo silang makaalis malalagot ka sa akin"

May kinuha siyang baril bago tuluyang lumabas ng bahay.

2 hours later

" Mommy saan tayo pupunta?"  Tanong ni Kiel habang tinatahak nila ang madilim na kalsada.

" Baby aalis na tayo ng bahay. Huwag kang mag alala magiging maayos din ang lahat"

Nakabalot ng makapal na jackets ang katawan ni Keil para hindi ito lamigin. Hindi kabisado ni Ash ang daan papunta ng bayan kaya hindi niya alam kung paano doon makarating ng mabilis. Kapag mayroong dadaan na sasakyan nagtatago sila sa likod ng masukal na damuhan sa gilid mismo ng daan. Alam niyang hinahanap sila ni Eiji sa mga oras na yun kaya kailangan niyang mag ingat.

Perfect Marriage ( Omegaverse) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon