Prologue |✓

211 6 0
                                    

Prologue

"Selle, ayos ka lang ba? Tulala ka ata ngayon?"

Napatingin ako kay Mama na nasa tabi ko na pala, wala akong kamalay-malay na nasa tabi ko na pala s'ya, nasa loob lang ako ng bakeshop ni Mama habang ginagawa ko ang assignment namin sa math. Tumingin ako sa paligid namin at may iilang tao pa sa loob.

Bagong tayo ang bakeshop ni Mama, pagka graduate ko ng grade six, saka binuksan ang bakeshop na pinagawa ni Papa para sa kanya. She loves to bake and I love to eat, pero hindi ko naman kinakain ang binebenta ni Mama na pastries and cakes nya.

"Wala Ma, may iniisip lang ako," Binigyan ko ng ngiti si Mama, smile of reassurance.

Pero may trust issue ata ang mama ko, mukhang hindi ito agad naniniwala sa aking mga sinabi sa kanya. Alam ko na kung kanino ako nagmana.

"Okay lang talaga ako, Mama, huwag kang paranoid." Matagal akong tinitigan ni Mama, binalik ko na lang sa assignment ko ang mga mata ko.

"Sige, sabi mo eh." She rubbed my back before she stood up.

Iniwan nya ako doon, I was glancing to her feet before looking back to my notes, Inangat ko lang ang tingin ko matapos ang ilang segundo upang tingnan ang likod ng Mama ko.

Mabilis na bumaling ang aking tingin sa cellphone ko ng tumunog ito, wala akong balak kunin yun but the name tempted me. Isang lalaki na nakilala ko sa internet. He's a good guy, we've been talking for almost half a year now. Grade six pa lang ako nag uusap na kami.

Wala namang masama doon and he also helped me to improve my english skills, hindi alam nila mama at wala naman akong planong sabihin sa kanila, hindi muna sa ngayon wala pa akong lakas ng loob para sabihin sa kanila iyon.

I know he's a good guy, he's an academic achiever, a man who loves to play guitar, a man who loves to sing, a man who loves to draw and paint, a man who loves his family so much.

He's a grade nine student and he knows that I am a grade seven student. Wala naman daw problema sa kanya yun, ang problema ay nasa sa akin. As we talked day by day, nagkakaroon ako ng feelings para sa kanya at yun ang problema. Wala akong sinabi sa kanya all he knows that I am seeing him as a friend of mine.

"Tapos ka na ba sa assignment mo? nag ce-cellphone kana eh."

Umangat ang tingin ko kay mama, nasa sala ako. Ang mga assignment ko nasa mesa na kaharap lang ng hinihigaan ko. Tumango ako sa kanya at tinuro ang gamit kong nakatiklop na sa ibabaw ng mesa.

"Wala ng problema, Mama," Sagot ko sa kanya, I also give her a thumbs up. "Masipag ang iyong anak ngayong araw,"

Mabilis na lumipas ang araw, day and night we talked. Kahit magkaiba ang time standards namin. We still talking, I stay late night and he also stay late night. He's from San Francisco, California. Diba, magkaibang magkaiba ang time standards namin.

"What's the matter?"

We're on facetime, gabi na sa Pilipinas pero sa kanila papa umaga pa lamang. They're Sixteen hours behind from Philippine Standard Time. Nasa kwarto ako, nakalock at nakapatay ang ilaw habang sya nasa loob ng kwarto nya naka on ang ilaw.

"Why are you so quiet?" Tanong n'ya sa akin, may lahing pinoy pero mas nangingibabaw ang lahing amerikano.

He can understand Tagalog but he can't speak fluently in Tagalog, kasi ipinanganak at lumaki sa ibang bansa. Nakakapagsalita ng tagalog but there's an accent and just some basic words.

Nakatitig lang ako sa kanyang gwapong mukha, a beautiful ocean blue eyes na may pagka singkit akala mo may lahing Chinese dahil medyo singkit ito, matangos ang ilong pwedeng pang sungkit at syempre maputi.

Admiring Its Glorious Miracle (Typographic Editing)Where stories live. Discover now