03 |✓

134 5 0
                                    

chapter 3

Nasa loob ako ng kwarto, looking at my dairy reading some of its pages na nandoon ang kanyang pangalan. I didn't skip those pages where I was discussing about my feelings for him. I was even more proud kasi nalagay ko s'ya dito, alam kong wala namang kahit na sino makakabasa nito, alam naman nila siguro yung salitang 'privacy' 'di ba?

Looking at his name, I feel so happy yet I could also feel the pain. Wala na yung lalaking mahal ko, hindi ko pa nasasabi na mahal ko s'ya may plano pa naman sana akong sabihin sa kanya na mahal ko s'ya. Namatay s'yang hindi nalalaman ang nararamdaman ko para sa kanya. Wala na ang lalaking gusto kong makita sa oras ng pagtulog ko.

Wala na yung lalaki na lagi kong pinagsasabihan ng problema ko, ng masasakit na araw ko, lahat ng masasayang araw ko. Wala na, hanggang titig na lamang ako sa litrato habang naalala ang mga salitang binitawan namin sa isa't isa. May mga salita akong gustong sabihin sa kanya pero mananatiling gusto na lang iyon.

I will miss his voice, his sweet messages, his voice messages, his smiles and his eyes. I will miss everything about him. Hindi ko pa kayang gawin lahat ng kanyang gusto dahil hanggang ngayon ay nangungulila parin ako sa kanya. I can't let him go, I can't and I don't want to let him go yet or can I really let him go?

"You will only defend your research title and nothing more."

Nakatitig lang ako sa English teacher namin habang nagsasalita s'ya sa harapan namin, pinag-uusapan namin ang research title defend namin sa susunod na linggo. Ganon din ang mangyayari sa Filipino namin, may research title defend din kami.

"Ano uunahin mo yang article mo o yung research title natin?" Nakatingin ako kay Nicky na nakatingin naman kay Joshua.

Walang naging reaksyon ang lalake, "I'll brainstorm myself about our research title and you write my article."

Kinuha lahat ni Joshua ang bond paper na nasa kanyang harapan pati narin ang iPad na nasa harap n'ya at inabot n'ya kay Nicky. Napatitig naman si Nicky sa kanya at tiningnan ang inaabot nitong gamit sa kanya.

"Ako lang ang gumagawa ng article, while we are a group in research and have ten members per group," Agad kong nakuha ang gustong sabihin ni Joshua sa kanya. "Don't be too dependent,"

Binawi ni Joshua ang kanyang gamit at umupo pabalik sa kanyang upuan, hindi pa nakaka ayos ng upo ang lalaki ay may dumating na guro at hinahanap s'ya, I saw how he breathe heavily and close his eyes harshly.

"Hindi ba kahapon ko pa yan binigay sa inyo? Bakit hindi pa rin tapos?" Tanong ng gurong babae sa kanila habang nasa pintuan ng silid namin.

"Ma'am with all my respect, I will stand for my friend. You give them five topics at gusto mo gawin iyon lahat ng article at ngayon mismo gusto mong kunin without you knowing that we are all busy with our requirements for our upcoming end of third quarter," tumayo si Ian at tiningnan ng mabuti ang guro.

"Ma'am, alam kong alam nyo po kong gaano kahirap magsulat ng isang article tapos limang topics po yung binigay n'yo sa amin, I hope you will understand that we also have other priorities." Wow, ano yan patayan? I was looking at Queen she also stood up.

Hindi nakakapagsalita ang babaeng guro sa sinabi ng dalawa dumagdag pa ang homeroom teacher namin, "Pasensya na ma'am Blanca kung hindi nila agad nagawa, sobrang dami lang talaga ng requirements nila ngayon."

"Sobrang dami o hindi agad ginawa kaya natambak." panlaban naman ng guro sa aming homeroom teacher.

"Sabay-sabay na binigay sa kanila ang mga requirements," pakiramdam ko dinedepensahan ng teacher namin ang mga journalist na nasa aming section.

Admiring Its Glorious Miracle (Typographic Editing)Where stories live. Discover now