02 |✓

135 5 0
                                    

chapter 2

I was getting worried and worried kasi kapag mag-uusap kami ni Zach lagi kong nararadaman na iba na yung boses sa dati nyang boses, minsan nga ay pinapatay n'ya na yung camera kapag nag-uusap kaming dalawa, laging inuubo, iniinda nya lagi na masakit daw ulo nya, alam kong hindi na iyon normal but I didn't asked. Hahayan ko s'yang s'ya na mismo ang magsabi sa akin.

Nag-uusap na naman din kami ni Eunice at sinasabi n'yang may iniinda nga daw ang pinsan n'ya pero lagi n'yang sinasabi na magiging maayos din naman si Zach kasi malakas naman si Zach tsaka malayo naman daw sa bituka nito. Minsan din ay kasama na s'ya kapag nag f-facetime kami ni Zach pero alam kong hindi lang silang dalawa ang nasa loob ng kwarto.

Kasi may naririnig akong ibang boses at ingay sa paligid nila pero silang dalawa lang lagi ang nakikita ko. Sa una, okay lang sa akin dahil akala ko okay lang s'ya gagaling s'ya pero lalong lumala ang sakit n'ya sa mga sumunod na araw, minsan na lang s'ya nakikipag chat sa akin, ng boses na nagpapahiwatig na.

"I have something to tell you, Selle,"

Habang nakatingin ako sa mukha ni Eunice, alam kong may problema na at kailangan kong ihanda ang sarili sa kanyang sasabihin sa akin. Kinakabahan at natatakot ako sa kanyang sasabihin. I am getting nervous waiting for her words.

"This is very important and you need to listen well." segunda n'ya, ang kanyang mga mata ay naglikot na.

My fingers started to tap the top of my study table, getting anxious. "I'm all ears."

Humugot s'ya ng malalim na hininga habang hindi mapakali ang kanyang mga mata, "It's been a year since we know about this."

Sadyang kumunot ang noo ko sa kanya, sa dahan-dahan nyang pagsasalita kaya mas kinakabahan ako lalo. Kumakabog ang dibdib ko sa kaba na akala mo lalabas na sa aking dibdib ang puso ko.

"But he has been carrying his illness for years now, Do you know about Glioblastoma?" Kumurap-kurap ako sa kanyang tanong at sa kanyang sinabi.

His ill? but he looks so healthy! Wala naman s'yang sinasabi sa akin na may iniinda s'ya, matayog ang pangarap namin para sa isa't isa. Isa na doon yung magkikita kami sa isa't isa after our college life. Wala s'yang ni isang binanggit sa akin.

Glio-what? That's my first time hearing those words, "No, that's my first time hearing those words."

"It is a type of cancer that starts as a growth of cells in the brain or spinal cord. It grows quickly and can invade and destroy healthy tissue on your body." Paliwanag nito sa akin, para akong kinunan ng hininga sa kanyang sinabi.

Hindi ako makagalaw sa kanyang mga pinagsasabi, basta ang naiintindihan ko sa kanyang sinabi ay nasa utak makikita ang sinasabi nitong sakit. At malalang malala na ito.

"There are only four to five percent who survived Glioblastoma and my cousin is part of that percentage, he's been suffering for years now." mahinang saad ni Eunice sa akin.

"But why he didn't tell me about it?" Nanginginig ang boses ko habang nakatingin sa kanya, nagbabadya na ang luha kong lumabas sa mata ko.

"Because he doesn't want you worrying about him." Eunice smiled pero hindi umabot sa mata ang kanyang mata.

"Why did you tell me just now?" Naiiyak kong saad sa kanya, akala hanggang doon lang yung rebelasyon pero meron pa pala

"You need to know, I know it's too late but still you deserve to know because you're his love and I know you feel the same. It's good that you know even though it's too late. His Glioblastoma has already reached stage 4 and we have to prepare ourselves for what could possibly happen."

Admiring Its Glorious Miracle (Typographic Editing)Where stories live. Discover now