28

33 4 0
                                    

Chapter 28

"Tito, I just want an answer." Hindi ako pumasok sa loob ng bahay n’ya, he invited me but I declined it felts like I am not welcome to his property but he has to do it just not sound rude "Isang tanong lang naman po yung gusto kung masagot."

Sinabi ko naman agad sa kan’ya na narinig ko sila ni Mama na nag-uusap—pag-uusap ba talaga yun—and it happened that I heard about my father’s death. Hindi ako mapakali habang iniisip ko ang mga narinig ko mula sa kanila. I mean I didn’t doubt about what the hospital can do.

But I have doubt about what I heard, so basically, I need to asked to rid of this doubt that I put on myself.

"Alam mo ba yung kasabihang ‘Curiosity kills a cat.’?" Tumingin ito sa mata ko.

"Wala naman sigurong mawawala kung magtatanong lang ako Tito, wala naman sigurong mali kung magtatanong ako, anak ako ng pinag-usapan n’yo ni Mama, may karapatan—"

Naputol ang iba ko pang sasabihin nang sumabad ito sa usapan, "Are you sure?"

"Ha?" Napatanga ako sa kanya, anong sinasabi ni tito?

Nakita ko kung paano umikot ang kan’yang mata, mukhang ini-enjoy nito ang reaksyon ko ngayon bago nawala lahat ng emosyon nito sa mukha at tiningnan ako nito mula ulo hanggang paa.

"Richard has an original brown eyes and natural black hair.." pinasadahan n'ya ulit ng tingin ang mukha ko. "While you have those almost amber eyes with a little part of green on the middle of your Iris and a light brown hair."

Naguguluhan akong tumingin kay Tito, "Anong ibig mong sabihin tito?"

"Lilith have a natural black hair too and a natural black eyes." Tumagilid ng kaunti ang kan’yang ulo para tingnan akong maigi. "Oh well, sometimes genes has it’s own formula."

Natahimik ako sa kan’ya, wala akong ibang nasabi sa kan’ya. Napaisip ako sa kan’yang sinabi pero nawala din naman yun agad nang kunin ni Tito Roel ang atensyon ko ng magsalita ito.

"You wanna know the truth?" Tinaasan s’ya nito ng kilay, "You heard what you heard."

Ayon lang ang sinabi ni Tito sa akin bago sinara ang gate sa mukha ko. Wala ako mahanap na salita para sa kan’ya at pinagsarhan ako ng pinto. I sighed. Tumalikod ako sa gate para aalis na sana nang makita ko ang anak nilang babae na nakatingin sa akin.

"Oo nga no? I wonder why you have those kind of feature," Kagaya ng ginawa ng kan’yang ama kanina, pinasadahan din ako ng tingin nito mula ulo hanggang paa. "So different from your parents.."

Pagkasabi nito ay umalis ito sa harapan ko and she purposely bumped my shoulder dahilan para mapaatras ako ng bahagya sa kan’yang ginawa. Ano naman kung iba ang features ko sa mga magulang ko?! Malay naman kung may ganitong lahi sila sa mga naunang henerasyon?

Dahil nandito naman lang din ako, umuwi na lang din ako sa bahay namin. Ganon parin naman ito, mas lalong lumalago yung bakeshop ni Mama, masaya parin naman ang loob non. Walang nadagdag na trabahante si Mama, sina Ate Kianna, Kuya Jiro at Tita o Nanag Rowena parin naman ang nasa loob nag tatrabaho para kay Mama.

Pagpasom ko sa bahay, wala pa si Mama. Malinis ang bahay as always naman, si Mama pa kaya. Naglalakad ako sa loob ng maliit na sala namin nang mapansin ko ang picture frame na si Papa pa ang bumili non para ilagay yung family picture namin.

Kinuha ko iyon at napatitig doon, napatitig ako sa mga magulang ko at sa aking mukha noong bata pa ako. My features are really far from them, mula hibla ng buhok hanggang sa kulay ng balat ay magkaiba kaming tatlo. Inilapag ko ang picture frame namin.

Admiring Its Glorious Miracle (Typographic Editing)Where stories live. Discover now