17

49 4 0
                                    

「 ✦ chapter 17 ✦ 」

"Stop staring at me like that!" Sinamaan ko ng tingin si Kyle nang makita ko s’yang nakatingin sa akin na may tinatagong ngiti sa labi n’ya. "Mukha kang Alien na pinalayas sa planeta n’yo."

Umikot ang mata n’ya pero hindi parin naman nawala ang kan’yang ngiti sa labi, "Pwede ka ng sumali sa dance trope nila, Lucius, Angel at CJ."

"Ginagago mo ba ako?" Inambahan ko s’ya ng hampas pero tinawanan lang ako ng gago at umupo sa kan’yang upuan dahilan para maabot ko s’ya at mahampas. "Tumahimik ka ipapasok ko sa bunganga yung cellphone mo."

Sinamaan ako nito ng tingin at hindi na lang ako nagsalita, nasa loob ako ng silid.nasa labas yung iba. The views of the dance are still increasing at yung hiya ko naman ay tumataas. Mukha lang makapal ang mukha ko pero may hiya pa naman akong natitira sa katawan ko.

Hindi ko alam kung anong klaseng tingin yung binibigay ng mga kaklase ko, minsan yung mga taong nadadaanan ko sa hallway, iba yung tingin na binibigay nila sa akin and I couldn't stand looking at them, watching their reaction. Baka isipin nila na nilalandi ko si Kyle kahit may girlfriend na yung tao!

Kasalanan talaga ng dalawang babae to! Nakisama pa girlfriend ni Kyle! Dapat hindi s’ya pumayag pero s’ya pa nag push kay Kyle na gawin ang sayaw! I like that kind of personality about her na hindi n’ya hinihigpitan si Kyle when it comes sa amin pero sana isipin n’ya naman ang ibang resulta! Jusko.

Tapos dumagdag pa tong si Joshua na kung makatingin sa akin parang may kasalanan akong ginawa sa kanya, baka sugurin ako nito ng wala sa oras. Nakikita ko s’ya minsan na nakatitig sa amin dito sa gawi namin, nasa harapang silid lang sila! Ito na mang mga kaibigan n’ya puno ako sa kantyaw, hindi na bubuo yung araw nila pag hindi ako inaasar.

"Mananayaw ka pala, Jiselle eh huwag mong masyadong galingin baka mapalitan mo yung mga dancer room n’yo."  Ito na naman sila, nagsisimula na naman sila. Nangunguna tong si Ian.

"Oo baka mapartner mo si Lucius," tinuro ni Jayden si Lucius na kumakain ng lollipop. "Huwag! Baka may magselos, mawawasak ang mundo!"

Isa lang naman yung naiisip kong magseselos ko, yung classmate ko lang naman ‘yun kasi sila naman lagi. Baka mabali katawan ko sa kan’ya at baka hamunin ako ng sayawin isang pitik lang ng katawan ni girl baka wala na talbog na ako.

Umiling-iling at tumawa lang sa kanila, hindi ko s’ya nakita. Pasimple naman akong tumingin sa likod nila nagbabakasakali na baka makita at dumating s’ya but I haven’t seen him for a while, ay hindi pala nakita ko pa lang pumasok kanina sa silid nila. Yun lang ‘yun sa canteen hindi ko rin s’ya nakita.

"Mauna na kami, Selle, may pupuntahan pa kami." Paalam ni Jayden sa akin.

Hindi ko naman sila pinigilan at pumunta na lang sa may volleyball court kung na saan nakita ko sila Chantelle at Angel nag-uusap parehong may hawak ng bola, naka jersey with their last year jersey sa palarong pambansa. They're talking seriously, hindi ko agad napansin ang lalaking nakatayo sa may kabilang bleachers naka krus ang braso.

Malalim at madilim ang tingin nito sa akin, sa akin ba? Malay ko. I looked around, I nooded understandingly when I saw the girl he's always with, standing on middle of the court looking at the two volleyball player and favorite of all time sa batch namin na nag-uusap ng maayos. Iba yung titig n'ya sa dalawa pero mukhabg ganyan talaga s'ya tumingin.

Admiring Its Glorious Miracle (Typographic Editing)Where stories live. Discover now