42

18 4 0
                                    

chapter 42

"Tapos ang sabi ni Prof pwede naman daw, kasal muna bago ligawan pero may papatunayan daw muna s’ya! Wala naman s’yang sinabi kung ano yun." Halos mabingi ako sa reaksyon ni Ella habang kinekwento nito kay Braxton at kay Xavier ang mga sinabi ni Joshua noong nakaraang araw. Simula noong araw na iyon hindi ako nilubayan ng kapatid ko.

Nagkataon kasi na nandito ang dalawa upang bisitahin at kumustahin ako, kung buhay pa ba ako at humihinga pa o hindi na.

Gabi-gabi nasa loob ng unit ko si Janella para lang kulitin ako tungkol sa sinabi ni Joshua sa akin, she can’t still move on. Ni hindi nga ako naniniwala doon, malay n’ya pinaglalaruan lang pala s’ya ni Joshua to satisfy her and watched her reaction.

"Your exaggerating, Ella." Saad ko habang hindi inaalis sa libro ang mukha ko.

I heard my sister scoffed in disappointment. "No I am not! Tapos nakita ko, Kuya Brax at Kuya Xav the way Prof. Scott looked at her! The look of longing! The look of missing you! He missed Ate Jisell! He still love Ate Elle!"

Sinara ko ang libro pero nakaipit parin ang hintuturo ko para mabuksan ko agad ito at mahanap ang pahina kung saan ako huminto. Tiningnan ko si Janella na hindi mawala-wala ang ngiti sa kan’yang labi, she looks like she’s daydreaming!

"Janella, wake up already. Hindi n’ya ako mahal, I made a big mistake, I broke him." Saad ko na para bang yun ang magpapatahimik sa kapatid ko.

"Hmp! Sinasabi mo lang iyon para tumigil ako e! Tsaka mukha namang mahal mo pa s’ya eh! Kaya pareho lang kayo! I know he still loves you, Ate Elle, you could feel it right?" Balik naman sa akin ng kapatid ko.

Tumayo ako mula sa couch at umiling na lang, walang balak magsalita, wala akong planong makipagtalo sa kapatid ko at naglakad na lang papunta sa kwarto ko. She's just exaggerating and overthinking.

"See? She still loves him! She didn’t even deny it! Ate Jiselle still love Professor Scott! And he feels the same!" Narinig kong sigaw ni Janella sa kanila.

Wala naman akong narinig na sagot mula sa pinsan namin—wala silang time na sumagot dahil sa bunganga ng kapatid ko, nakikinig lang naman sila doon. Hinayaan ko silang magsisigaw doon sa labas habang ako nagpatuloy sa pagbabasa pero pumapasok parin sa loob ng kwarto ko ang boses ni Janella.

Kalmado kong nilagay sa kama ang libro at pumunta sa pintuan, binuksan ko iyon at napatingin sila sa akin, I gather all my breath and let it all go in once.

"Will you please shut up already?! I’m tired! And yes I still love him!" Sa sigaw ko napatahimik ang kapatid ko at malalaking mata namang tumingin sa akin ang mga pinsan ko. "Happy? Satisfied already? Now shut up because I wanna rest from this shit!"

I shut the door pero agad namang ngumiwi nag-aalala na baka masira iyon. Malakas akong bumuntong hininga at bumalik sa kama ko. Tumahimik na naman din ang sala pero hindi parin ako maka concentrate sa pagbabasa, lumilipad parin ang isip ko. Marahas kong nilapag ang libro sa kama ko.

Umangat ang tingin ko sa portrait na bigay ni boss sa akin, tinitigan ko ito. I remember what I said just earlier ago, I admit that I still love him, hindi naman nawala yun eh nakatago lang sa kailaliman ng puso ko. Kaya nga sabi ko non kay Angel, mas mabuting tingnan ko na lang s’ya sa malayo kaysa naman lalapit ako sa kan’ya pero sinasaktan ko naman s’ya.

I missed him but it was my fault na umabot kami sa ganito. Kung nakinig lang ako sa kan’ya baka naayos agad namin iyon, we can clear the misunderstanding pero nagpadala ako sa emosyon at galit na nararamdaman ko eh. Now, here I am regretting everything from the past.

"Smile Jiselle!"

Nagtatalon si Lucius sa may buhanginan habang nakatingin sa akin. Hindi ko na mabilang kung ilang beses na akong nagpabuntong hininga habang pinapanood silang lima kasama na si Angel. Sinama nila ako ditong maligo sa dagat.

Admiring Its Glorious Miracle (Typographic Editing)Where stories live. Discover now