22

43 4 0
                                    

Chapter 22

"Mahal mo ba, nak?" Tanong agad ni Mama sa akin matapos kong ihatid si Joshua sa labas ng gate namin. Kakauwi pa lang ni Joshua, dito na namin s’ya pinakain after ko s’yang pinakilala kay Mama.

Sorry Papa, hindi ko napakilala sa'yo ang first boyfriend ko, alam kong magagalit ka dahil pumasok na ako sa ganitong mga bagay na alam kong ayaw na ayaw mo pang pumasok ako sa ganito. Sana gabayan mo kaming dalawa sa magiging relasyon namin.

"Opo.." Mahal ko s’ya bilang s’ya, mahal ko s’ya dahil mahal ko s’ya wala ng iba pang dahilan. "Galit ka ba, Ma dahil pumasok ako sa ganito?"

Bahagyang tumawa si Mama sa akin, "Hindi, ganyan din naman ako dati eh. Dati nga tinatago-tago ko pa kay Papa dahil ayaw n’yang magkaboyfriend ako habang nag-aaral."

Lumapit ako kay Mama at niyakap s’ya ng mahigpit, "Sorry Mama, mahal ko po s’ya."

Hinimas-himas ni Mama ang aking likuran habang yakap-yakap n’ya ako. "Kung saan ka masaya anak, huwag lang pasubrahan okay? Matutong mag kontrol."

Hindi ako umalis sa bisig ni Mama, humiga pa ako sa kan’ya hita habang pinapakinggan ang kan’yang kwento noong bata pa s’ya at kung paano n’ya nakilala ang papa ko at paano nila nadala ang kanilang relasyon ng ganoon katagal na hanggang kamatayan hindi s’ya binitawan ni Mama.

Habang nag kukwento si Mama ay nilalaro n’ya rin ang buhok ko kaya medyo inaantok ako sa ginagawa n’ya. I really adore those kind of relationship na hanggang sa kamatayan ay hindi ka iiwan. Wala na ring plano si Mama na mag-asawang muli. Kontento na daw s’ya sa kung ano ang meron sa amin.

"Anak, paki linis nga ng likuran ng bahay."

At dahil linggo, ang dating gawi ay ginagawa. Ang linggo-linggo kong naririnig ko kay Mama ay naririnig ko na naman. Nasa Bakeshop si Mama, wala s’yang trabaho ngayon dahil nagamit na kahapon. Dapat ngayon ang start ng kan’yang trabaho tapos day off n’ya meyerkules at Sabado.

"Diligan mo yung halaman ko sa likod, nak."

Sanay na sanay na ako kay Mama. S’ya kasi naglinis ng harapan ng bahay namin noong meyerkules. Wala s’yang trabaho kaya naglinis na lang sa harapan ng bahay namin. Sinunod ko ang gusto ni Mama, sinunod ko lahat ng utos n’ya sa akin. Walang miski ni isang salita.

"Wala ka bang napapansin kay Ian?"

Nasa canteen kami, sa nakalaang mesa para sa mga estudyanteng gustong manatili sa canteen para kumain. I am with Sam, nakita ko lang din s’ya dito sa may canteen kaya sinamahan n’ya na lang din akong kumain dito. Pinatawag si Joshua sa kanilang teacher kaya wala s’ya.

"What do you mean?" Naguguluhan akong tumingin sa kan’ya, "Maayos naman si Ian ah, when he’s with us there’s no wrong about him."

Suminghap si Sam, "Napapansin ko kasi napapadalas s’yang mag sout ng jacket ngayon tapos napapansin ko rin that he’d always wearing make up."

Nakakunot ang noo kung tumingin kay Sam, "He’s always wearing makeup though, hindi nga lang mas'yadong halata."

Tinitigan ako ng babae at wala na lang ding sinabi, hindi tumagal ay nakita namin sila Angel, Ian at Jaxon na papasok sa loob ng canteen. Ian is wearing hoodie again. Sam and I shared a look, and she smile as if she’$s telling me ‘I told you’

Wala na kaming sinabi sa isa’t isa nang makita nila kami, they joined us. Bumili na lang din ako ng pagkain para kay Joshua, I already told him na ako na lang bibili.ng pagkain n’ya, maghintay na lang s’ya sa classroom n’ya.

"Mauna na kayo, hatid ko lang to kay Joshua." Huminto sila sa may paanan ng hagdan at tiningnan ako

Sabay naman silang tumango at nauna ng umakyat, dumiretso agad ako sa classroom nila ni Joshua at nakita ko s’ya na nag s-sketch at sa kabilang kamay ay hawak n’ya ang cellphone n’ya. Hindi pa ako nakakapagsalita ay umangat na ang tingin n’ya sa akin.

Admiring Its Glorious Miracle (Typographic Editing)Where stories live. Discover now