26

35 4 0
                                    

chapter 26

"Are you sure about what you heard, Selle?" Imbis na nakauwi na ako sa bahay ay bumalik ako sa pinanggalingan ko at pinuntahan si Angel at sinabi sa kan’ya ang narinig ko mula kay Tito. Ni hindi ko nabati ang Mama ko. I run out from the house and drive back here.

"Sabi ni Tito Roel, nilason si Papa." Medyo tumaas ang boses ko, binigyan agad ako nito ng tissue para ipahid sa luha ko. I’ve been crying since I heard Tito Roel talked about my Father’s death.

"Pero ang na declared sa medical report ay dahil sa ARS diba?" Nakakunot ang noo n’ya sa akin, nabasa n’ya kasi ang medical report, kaming tatlo ni Clever. "Bakit hindi dahil tungkol sa lason?"

Lumunok ako at tiningnan s’ya, "Hindi ko alam, Angel, hindi ko alam. Bakit nasabi iyon ni Tito na nilason si Papa."

Natahimik kaming dalawa sa loob ng apartment n’ya, napasunod ang tingin ko sa kan’ya nang bigla itong tumayo sa kinauupuan n’ya at determinadong tininganan

"Let’s go." Saad n’ya at hinawakan ang palapulsuhan ko.

"Ha? Saan tayo? Anong gagawin mo?" Kinakabahan kong tanong ko sa kan’ya. Hinihila n’ya ako palabas ng apartment n’ya.

"Pupuntahan natin si Raiden, we will asked him if he knows about the medical records of your father." Saad n’ya at sinara yung pintuan

"But only you and Clever knows the report, kayo lang yung kasama ko nong binasa ko yung medical death report." Saad ko sa kan’ya huminto naman s’ya at tiningnan ako

"Then we will asked, Clever after." Saad n’ya at hinila na naman ako.

Nakita ko na lang ang sarili ko sa harapan ng apartment ni Raiden at Ate Hailey na malapit lang sa kan’yang apartment, nasa harapan lang naman iyon. Kakagising lang ata ni Raiden dahil sa mata nito.

"Oh? Anong oras ka natulog?" Ayan agad ang naging bungad ni Angel kay Raiden matapos makita ang mukha nito.

"Four in the morning." Inaantok pa na sagot ni Raiden sa kan’ya. Kaya ni Raiden ang ganon? I mean nagpupuyat din naman ako ah pero ganong oras matulog? "What do you want."

"Have you seen the death report about Jiselle’s father?" Walang pag-aalinlangan na tanong ni Angel sa kan’ya.

Huminto naman ang lalake at tiningnan kami na nakakunot ang noo, naguguluhan s’ya sa biglaang tanong ng kanyang pinsan, tumingin din ang lalaki sa akin.

"Those are confidential papers that only doctors and family knows." Kahit naguguluhan ang lalake ay sinagot n’ya parin ang pinsan n’ya. "Why asking me? You should asked the person beside you."

"Ang doktor na may hawak sa kan’ya ay magulang mo, Raid." Balik naman ni Angel sa kan’ya. "We just want to know if you happened to know about it or you have seen it."

Kalmadong huminga ng malalim ang pinsan ni Angel at nilapitan kami. "I’m sorry girls, but I know nothing."

Raiden looked at me apologetically. Napanguso naman ang babae sa kan’ya, "That’s okay! Thank you for entertaining us, good morning!"

Pagkatapos ay hinila na naman ako ni Angel palabas ng unit nila Raiden at ng kanyang Ate Hailey, ni hindi ako nakapagpasalamat sa kan’ya ng maayos. She keep dragging me until we reached the parking lot.

"San tayo?" Naguguluhan kong tanong sa kan’ya.

"To Clever’s university." She declared, ni hindi ako binigyan ng oras para mag proseso.

Pumasok agad s’ya sa loob ng sasakyan n’ya, "Angel, hindi pwede baka may klase si Clever ngayon."

Tumango s’ya, "Kaya nga pupunta tayo sa university at doon mag hihintay. I already texted her that we’re coming and she’s in the university that’s why doon tayo pupunta."

Admiring Its Glorious Miracle (Typographic Editing)Where stories live. Discover now