14

58 4 0
                                    

chapter 14

Gusto kung lumubog ngayon dahil sa kahihiyan, hindi ko matingnan si Joshua na nakatitig lang sa akin. I could feel his intense eyes on me but I tried to ignore it. Hindu talaga ako nag-iisip kahit kailan! Yung mga sinasabi ko! I keep my mouth shut and didn't even tried to look at him.

I tried to distract myself thankfully Angel helped me, pero hindi ko parin sya matingnan straight to the eyes. Angel was teasing him tapos taga sulsol naman ako sa babae. I was laughing hard dahil para syang batang pinapagilitan dahil may kasalanan sya.

Paano ba naman kasi hindi nya sinabi na sobrang lamig pala ng tubig n'ya, nagrereklamo ang kaibigan ko. Pinagtutulungan namin s'ya, he can't defend himself from us.

"Tumawa ka lang, you thought I didn't heard what you said earlier?" Natikom agad ang bibig ko sa narinig ko mula sa kanya.

His whisper immediately went through my ears. Sinulyapan ko s'ya nakangisi s'yang nakatingin sa kawalan bago sumulyap sa akin na may pahiwatig. Pagkatapos ay agad ko silang iniwan at lumayo sa kanila, ayuko munang makita ang mga mukha nila.

Pumapasok lagi sa isipan ko ang salitang binitawan ko kanina, hiyang-hiya ako! That was supposed to be a secret! Bakit naman kasi ganon! Napapadyak ako habang naiisip ang kahihiyang sinabi ko sa kanya.

"Mukha kang buang d'yan."

Masama kong tiningnan si Kyle na nasa likod ko, umiinom ng chuckie. Nakakunot din ang kanyang noo habang nakatingin sa akin.

"Anong problema mo?" Tanong n'ya, sinisipsip nya parin yung chuckie nya. "Kanina ka pa sipa ng sipa wala namang bola tsaka hindi ka naman football player bakit gusto mo bang maging football player?"

Lumapit ako sa kanya at hinampas ang balikat n'ya dahilan para mapadaing ang lalaki sa akin. Hinimas-himas nya agad ang balikat n'ya habang binibigyang distansya ang pagitan naming dalawa.

"Ginagago mo ako eh!" Itapon ko kaya to sa ilog para hindi na makapangbwesit sa akin. Masama pa rin ang tingin ko sa kanya habang inaayos ang uniform ko.

"Bakit? Maayos naman ang tanong ko sa'yo ah!" Depensa n'ya sa akin. "Sakit parang nawalan ata ako ng braso sa'yo, kung hindi si Angel ang maghahampas ikaw! Kawawa ako sa inyo."

"Really?" Tinaas ko ang kilay ko at pinagkrus ang aking braso, "You don't look like one."

S'ya naman ang masama ang tingin sa akin habang inuubos yung inumin nya ni hindi man lang ako niyayang uminom kahit kaunti lang. Mabulunan ka sana sa iniinom mo. Hindi naman nagtagal kakasipsip nya nabulunan sya sa iniinom nya.

"Ang bilis naman ata ibigay ni lord ang hinihiling ko," bulong ko bago ko sya nilapitan. "Oh ayan hindi mo kasi ako binigyan."

Hindi s'ya nagsalita at umupo na lang sa may damuhan, I look down. Hindi masyadong umiinom ng ganyang inumin si Kyle pero kapag uminom ng ganyan yan alam kung may problema sya na iniisip.

"Ano na naman problema mo?" Mahinang tanong ko pero alam kung naririnig nya ako. Nakatayo lang ako, wala akong balak na umupo. "Nag-away kayo ng girlfriend mo?"

Isang maliit na ngiti ang sumilay sa aking labi nang umangat ang kanyang tingin sa akin. I know I am right, maayos naman takbo ng pamilya nya kaya alam kong walang problema doon, wala naman akong ibang pwedeng problemahin ni Kyle.

"Just a little misunderstanding, nag-iisip lang ako bago ko s'ya kausapin." Sagot n'ya sa akin.

"Lagi ka namang gan'yan hindi na bago ang lahat." Saad ko sa kanya habang inaayos ang cellphone ko sa loob ng maliit na sling bag na dala ko.

Admiring Its Glorious Miracle (Typographic Editing)Where stories live. Discover now