25

39 3 0
                                    

"Mukha kang suman na hilaw." Wala talagang paawat ang bibig ni Angel minsan. Nasa unit kami ni Queen, kaming lima lang. Tapos itong si Queen balot na balot ng makakapal na kumot kasi masama pakiramdam n'ya pero itong si Angel walang paawat.

Queen looked at her flatly, siniko naman ni Sam si Angel, mahina ko na mang tinampal ang likurang bahagi ng kan'yang ulo dahilan para mapakamot s'ya sa kan'yang ulo.

"Iinom na lang natin yan." Akala ko talaga kay Sam dati matinong tao pero mas may katok pa s'ya kaysa kay Clever. Walang matino sa pamilyang go, ika nga.

"Hey Sam." Saway ni Clever sa kan'ya.

Napalabi si Sam sa kan'ya, inayos rin nito ang eye glasses na sout nito. Kung titingan ang dalawa mula sa likod nila masasabi mong kambal ang dalawa dahil parehong pareho ang postura nila sa likod. Kung harap naman, they have some same feature lalo na sa eye glasses at sa mata nila at sa kulay nito.

"Alam n'yo may nabalitaan ako." Mabilis pa sa alas kwatro na tumingin sa akin ang mga babae.

Umayos agad sila ng upo sa kama ni Queen pati si Queen inayos ang posisyon n'ya. Hindi naman nila pinahalata ang pagiging chismosa nila. Nakita ko ang mga mukha nila na hinihintay nila akong magpatuloy sa pagsasalita.

"Hindi naman kayo sobrang chismosa no?" Tiningnan ko sila isa-isa and they all proudly nodded their head.

"Oo na alam namin. Ano nabalitaan mo?" Atat na tanong ng babaeng nilalagnat. "Baka mawala yung lagnat ko sa chismis mo."

"May crush ka daw sa university n'yo. MSSB students." Ang tingin ko ay kay Queen lang. Mabilis namang tumingin sa kan'ya ang mga kaibigan namin.

A look of feeling betrayed of what they heard from me. Nawala naman ang excitement sa mukha ni Queen at tiningnan ako ng masama. Mabuti na lang talaga may boyfriend akong chismoso din. Char.

"Wala ka bang sasabihin sa amin?" Tumaas ang kilay ni Clever sa babae at pinanliitan ng mata. "Magkasama tayo sa iisang university pero hindi mo man lang sinabi sa amin?"

"Where did you get this information?" Hindi pinansin ni Queen ang sinabi ni Clever at ako ang hinarap n'ya.

Tinaas ko ang cellphone ko para ipakita sa kan'ya ang wallpaper ko kung saan si Joshua ang nandoon, I proudly looked at her. Akala n'ya makakatakas s'ya sa amin? Nagkakamali s'ya. Umikot ang mata n'ya at bumuga ng hangin.

"Ay hindi n'ya sinabi sa atin kung sino yung crush n'ya, Sam." Tiningnan ni Angel si Sam na naghihintay din sa sagot ni Queen sa kan'ya.

"Hmm, don't worry ako na bahala baka bukas makukuha na natin ang sagot." Tumango itong si Sam.

Napasapo naman si Queen sa kan'yang noo. It's been months since pumasok kami sa College. Mabilis lang ang oras magugulat ka na lang pasukan na pala sa susunod na mga araw. Naalala ko pa nag paplano pa lang kami na gumala tapos sa susunod na araw pasukan na pala.

Nagulat pa ako nang kunan ako ni Mama ng sasakyan, wala akong kaalam-alam kasi kung alam ko lang talaga hindi na ako magpapakuha, malapit lang naman. Lalakarin ko na lang mga fifteen minutes na lakaran.

Truly is, agad naming nakuha ang gusto naming malaman tungkol sa crush ni Queen na MSSB students. Iba talaga pag may mala-detective ka na kaibigan, may mga source of chismis.

Buti na lang rin at walang pasok si Queen sa sumunod na araw para na rin makapagpahinga s'ya ng maayos. First year looks fun but trust me hindi po s'ya fun. Pero kay ang Fun ay inoman. Hindi naman laging umiinom si Queen.

"Paawat Queen, ikalma." Saway ni Angel sa kan'ya, this is the second time na uminom sila sa unit ni Queen.

Sila lang, hindi kami kasali d'yan.

Admiring Its Glorious Miracle (Typographic Editing)Where stories live. Discover now