10 |✓

90 4 0
                                    

chapter 10

"Nak, may naghahanap sa'yo sa labas ng bahay." Nakita ko ang ulo ni Papa sa may pintuan ng kwarto ko, "Mga kaibigan mo nasa labas, naghihintay sa'yo."

Mabilis akong bumangon sa kama ko at lumabas ng kwarto, nakita ko agad si Clever at Samantha sa sala nakaupo na parang basang sisiw, si Mama naman nasa kabilang sofa nagbabasa ng magazine.

"Ginagawa n'yo dito?" Tanong ko, pagabi na ah.

"Sa school gym, let's watch their training," saad ni Clever, alam ko na naman kung sino ang mga tinutukoy niya sa school gym, "Pinagpaalam ka namin kay Papa at Mama mo."

Tiningnan ko si Mama na walang reaksyon si Papa naman dumaan lang papuntang kusina namin, bumalik naman agad sa kanila ang tingin ko. Ngumiti si Sam at si Clever sa akin, nakita ko na lang sarili ko na nakasakay sa motor na dinadrive ni Clever.

Nakiki Mama at Papa pa!

Pagdating namin doon wala pa sila Angel, Ian at mga barkada nito pati si Raiden wala pa. Si Jaxon nandito na pati si Queen. Ang Volleyball team nandito na rin. Nag-aaral sila sa umaga, training sa gabi yan ng buhay nilang mga atleta.

"Sa Volleyball Team tayo dumiretso,"

Agad kaming pumasok sa loob ng gym kung nasaan ang mga volleyball team ng strand namin. We waited for minutes bago sila dumating ng sabay-sabay except kay Raiden na mukhang nahuli lang ng kaunti. Imbis na kay Angel ko intuon ng mukha ko kinuha ng isang tao na wala namang ginawa kundi mag lakad lang.

Wearing an all black plain shirt, black shorts, a white crocs, Havier Joshua Scott is effortlessly handsome while walking towards us. Plus, the black watch on his wrist gives more life to his aura. Maganda ang kulay itim sa kanya kasi maputi syang tao.

Ang gwapo.

Siniko ako ni Clever, "Ang laway mo tumutulo na,"

Umiwas agad ako ng tingin at magpanggap na may tinitingnan sa Cellphone ko, I was scrolling on my Facebook kahit ang isip ko nasa kanyang lang pumupunta. I wanted to looked up to see him pero nahihiya ako. I tried to peek to Clever and she's talking to them already.

Isa talagang himala na nandito ako ngayon. Kung hindi lang ako pinuntahan ng magpinsan baka nasa bahay lang ako ngayon nagmumukmok, nag c-cellphone. Yan lang naman lagi kung ginagawa kapag gabi. Clever also wanted to rest playing on her phone, pagod daw sya kakarampa pero gumala.

Magaling na babae, sya pa ang nagdrive para sa aming dalawa ni Sam.

"Hoy, ang gwapo ni Joshua ngayon." Clever stated napatingn naman ako sa kanya.

"Alam ko, araw-araw naman yun," pinatulan ko ang kanyang pang-aasar sa akin, mahina s'yang natawa. Nakita ko naman ang maliit na ngiti ang sumilay sa mukha ni Sam.

"Ay ayun umamin din, kaya pala halos tumulo na yung laway mo kanina kakatitig sa kanya," natatawang saad ni Clever sa akin.

Magpapaliwanag na sana ako ng pigilan ako ng babae, nilagay niya ang kanyang daliri sa bibig niya upang patahimikin ako. Padabog naman akong tumingin kay Angel na nagsisimula na sa kanilang training. Gusto ko talagang makita si Angel na maglaro, ang totoong laro na makikita ko ang competitive side ni Angel.

Nakita ko na syang maglaro ilang beses na kaso alam kong hindi pa iyon ang lahat ng lakas ni Angel. Nakikita ko sa mga video na nakita ko sa Facebook na naglalaro s'ya, school competition ganon ang gusto kung makita sa kanya.

Siguro sa araw ng laro makikita ko ang side ni Angel na competitive, lalo na at wala akong sinalihan na sports.

Tatlong oras lang naman ang training nilang lahat, pagkatapos ng tatlong oras na pinapanood namin sila ay naghanda na kaming umalis, nagpalit na rin ng damit si Angel, binigay naman ni Clever ang damit na ipapalit na damit ni Angel.

Admiring Its Glorious Miracle (Typographic Editing)Where stories live. Discover now