33

28 4 0
                                    

chapter 33

Nagising ako dahil sa silaw ng ilaw at nasa loob na ako ng hospital. Inilibot ko ang aking tingin, walang tao sa loob. Wala namang nakaturok na karayum sa akin, I assume I am okay. Inalala ko ang huling sandali bago ako nawalan ng malay, that woman introducing herself as my mother? Baliw ba s'ya o sadyang bulag.

Umiling ako at bumangyon, kasabay non ay bumukas ang pintuan at iniluwa doon si Mrs. Ruiz. Agad n'ya akong nilapitan, tahimik lang s'yang tumayo sa harapan ko pero malayo ang distansya mula sa akin. Muli namang bumukas ang pintuan at iniluwa naman si Clever.

"Clev.." tawag ko sa kan'ya, agad s'yang tumakbo papunta sa akin.

"You okay? Mom, called telling me that your here even Dr. Valencia told Raiden then he told us about you being here." Paliwanag ni Clever sa akin. "You okay?"

Tumingin ako sa babaeng nasa likod n'ya, umayos naman s'ya ng tayo at tiningnan ang babae, she was shocked seeing Mrs. Ruiz standing behind her na hindi n'ya ata napansin ang babae kanina.

"Mrs. Ruiz!" Gulat na saad ni Clever bago nagpabalik-balik ang tingin sa akin at sa babae, "You know my friend?"

"Uhm she's my-"

"I'm her acquaintance." Pinutol ko ang sasabihin ng babae. Baka sabihin n'yang anak ako. "S'ya nag dala sa akin dito sa hospital."

For all I know, I only know one mother and that is Lilith Molinos. Natikom naman ang bibig ng babae at hindi na lang nagsalita, she even nodded agreeing what I said but I saw how she stopped her emotion.

"Oh, what a coincidence, she's one of the investor of our hospitals." Binulong ni Clever ang hulang kataga n'ya.

Tumango ako, I know that already, "Gusto ko ng umuwi, utang muna yung hospital bills ko."

"What?" Tumaas kilay n'ya sa akin, "Bayad kana daw sabi ni Mama."

Napataas ang dalawang kilay ko sa kan'ya, nagbibiro lang naman ako ah! She really insisted na bayad na daw ako. Oh well, kung sino man nagbayad sa akin, thank you I guess? But I think I already knew who it was.

Tiningnan ko ang babae sa likod ni Clever. Huminga ako ng malalim at bumalik ang tingin kay Clever.

Nagpaalam naman agad si Clever sa akin kasi tumakas lang daw s'ya, hindi naman n'ya sinabi kung kanino s'ya tumakas.

Binalingan ko ng tingin ang babae na kanina pa tahimik, hindi ko alam kung paano ko s'ya kakausapin. I don't know this woman, I only knew somethings about her because of internet and nothing more.

"Look, thank you for bringing me here pero I am not your daughter, nagkakamali ho ata kayo." Bumaba ako sa kama, "Thank you for paying my bills, babayaran po kita don't worry."

Hindi ko hinintay ang isasagot ng babae at lumabas ako ng silid, umuwi agad ako sa unit ko but only to get my key. Nasa loob ako ng sasakyan ko, I'm tired already.

"Too much for one day.." saad ko habang nakatingin sa papalubog na araw.

Inalala ko lahat ng nangyari sa boung araw at tumatak sa akin ang nangyari sa amin ni Joshua. I smile through pain, I give my all to hime but he only broke it, he cheated on me. Pwede n'ya naman sabihin sa akin na ayaw n'ya na, bakit kailangan pagmukhain n'ya pa akong tanga.

Ano pang silbi nh kanyang eksplenasyon kung nakita ko na ang lahat, maybe for another lie?

Huminga ako ng malalim at pinaandar ang sasakyan, I will end this once in for all and I will deal with the latter next. I drive hour to go to Tito Roel's house pero walang tao pagdating ko doon at naghintay ako hanggang sa lumalim na ang gabi, nakatulog pa ako. Saktong maghahating gabi nagising ako at may dumating na sasakyan.

Admiring Its Glorious Miracle (Typographic Editing)Where stories live. Discover now