Maingay ang kanilang silid-aralan. Walang tigil na pinag-uusapan nila ang mga ganap noong Nutrition Month.
Usap dito.
Usap doon.
Pero nanahimik sila noong pumasok na ang Filipino teacher nila na mataray, ngunit minsan mabait naman kapag kumpleto sa tulog.
"Gooooood morniiiing, Sir. Batungbakal."
"Ulit!" sabi niya, ngunit ubod nang lakas ng kaniyang boses na para na itong sigaw. "Pagsabay-sabayin ninyo!"
Tumahimik sa kanilang klase at nagtinginan silang lahat.
Bumilang sila ng tatlo.
"Gooood morniiiing Sir. Batungbakal."
"Ulit. Nanglalata kayo."
"Gooood morniiiing, Sir. Batungbakal!"
"Ayan, mas maayos." sabi ng kanilang guro nang may ngiti. "Magsisimula na tayo sa klase ngunit hindi para sa ating asignatura, bagkus hihiramin ni Sir. Lazaro ang aking oras."
Nagbulungan ang lahat.
"Sir. Lazaro?"
"Mapeh 'yon 'di ba?"
"Ano mayro'n?"
"Ba't good mood si Sir?"
"Good mood lang siya kapag may ipapagawa."
Bumukas ang pinto at bumungad sa kanilang lahat ang masiglang ngiti ni Sir. Lazaro.
"Hey kids!" bati niya. "So, gulat siguro kayo. Hiramin ko muna time ni Sir. Batungbakal para sa P.E., okay lang ba inyo iyon?"
"P.E. ba tayo, Sir?!" ang masayang sabi ng kaklase nila.
"Yes!"
Biglang bumalik ang sigla at saya ng lahat. Napatayo pa nga ang iba mula sa kanilang upuan para kuhanin na ang kanilang bag.
"Ay, baka P.E. na laro ang iniisip ninyo, sayaw tayo, mga anak."
Sa isang iglap, nalaglag ang ngiti ng lahat.
"Doon tayong lahat sa court."
_______
"Everyone! Punta rito sa harap ko. 3 lines, please." sabi ni Sir. Lazaro. "Tuturuan ko kayo ng sayaw."
Ang mga steps na itinuro niya ay basic steps sa isang folk dance.
Madali lamang ito at paulit-ulit ngunit nakalilito kapag lahat-lahat na ng steps ang ginagawa, kaya't dahan-dahan silang tinuran ng kanilang guro.
"Okay, kayo naman." sabi niya. "One, two, three, four..."
Sinabayan nilang lahat ang bilang niya. Marami ang nalilito, habang ang iba naman ay nakasasabay.
"Shacks! Nagkamali ako!" biglang sabi ni Chelsea.
"Ako rin bhe!" sagot ni Franchesca.
"Try natin with music, baka hindi na kayo malito." sabi naman ni Sir. Lazaro.
Sinubukan nila with music, at kahit papaano, mas maayos na ang kanilang mga sayaw.
"Okay! Thirty minute practice tapos isa-isa kayo."
Nagulat silang lahat.
"Yuh, sir! Bakit isa-isa, 'di ba puwede tig-lima naman?"
"Oo nga sirr, 'wag isa-isa!"
"Class, listen." sabi niya nang mahinahon. "Isa-isa kayo para walang kopyahan. Need na kabisado n'yo talaga para maging maayos ang sayaw n'yo."
"Sir, kakayanin po ba ng time?"
BINABASA MO ANG
Spring Onions
RomanceMGA KARAKTER... Magaling magcutting sa klase si Tala, ngunit uubra kaya iyon sa terror nilang class president na si Mayumi? _______ ANG NILALAMAN... Hinahanap-hanap mo ba ang pakiramdam na maging isang Junior High School student, o isa kang Junior...