Chapter 14. Isip

333 21 67
                                    

"Do you have an extra exam booklet?"

Lumingon si Mayumi kay Catherine. Hinahalungkat niya ang kaniyang bag nang mayroong pag-aalala sa kaniyang maamong mukha.

"Mhm!" sagot ni Mayumi. Inabot niya ito sa kaniya. "Just replace it bago 'yung next exam, okay? That's my last one."

"Sure, sure, of course!" sabi ni Catherine nang mayroong ngiti.

Noong matapos sila mag-exam at lumipas na ang kanilang limampung minutong break, bumalik na muli sila sa kanilang silid-aralan.

"Cath?" sabi ni Mayumi noong pumasok na ang kanilang proctor. "Where's my exam booklet?"

Tumingin sa kaniya si Catherine nang mayroong pagtataka.

"What do you mean? Isa lang binili ko."

Bumagsak ang ngiti ni Mayumi.

"Huh? But I told you to replace the one na ibinigay ko sa iyo."

"I'm sorry, 'Yumi, I forgot. Maybe Phoebe has one?"

Lumingon si Mayumi sa gawi ni Phoebe at sinitsitan siya.

"Exam booklet?" bulong ni Mayumi.

Umiling siya, kahit nakita ni Mayumi ang apat na pirasong examination booklet sa kaniyang lamesa.

"Everyone, be quiet! The examination is about to start."

Nanlamig ang kalamnan ni Mayumi.

Lumingon siya kay Catherine nang mayroong nagluluhang mga mata.

"Cath.." sabi niya.

Tiningnan lamang siya ni Catherine nang panandalian bago yumuko.

"Cath...!"

"Ms. Santos, is something the matter?"

May hawak na isang stack na examination paper ang kanilang proctor. Ang matalas niyang mga mata ay napunta sa lamesa ni Mayumi na walang nakalagay.

"Ah, I see." sabi niya. "You remember the rules. Right, Ms. Santos?"

Sinulyapan ni Mayumi nang panghuling beses si Catherine.

Nakatuon lamang ang pansin ni Catherine sa pagsasagot ng exam.

"No booklet. No exam." bulong ni Mayumi.

_______

KASALUKUYAN...
AUGUST 10, 2023. THURSDAY.

'It's nice to be able to rely on someone. For once.'

Iyon ang nasa isip ni Mayumi habang sinusuri ang mga de lata na nakadisplay sa mga shelf ng grocery.

Kumuha siya ng isa at inilagay ito sa loob ng kaniyang pushcart.

'I've always been the giver. Never the receiver.

So, I've taught myself not to rely on anyone.

Spring OnionsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon