Chapter 28. Birthday

123 14 33
                                    

Pasinghap ang tawa ni Tala.

"Oo. Bakit naman kasi hindi?" sabi niya. "Kung gamitan lang din, eh 'di bakit 'di ko na sulitin?"

Tiningnan siya nang maigi ni Mayumi. Kahit dinaraan ito ni Tala sa tawa, nararamdaman niya ang totoong emosyon sa likod nito.

Pait at inis.

"You hate them."

Hindi sumagot si Tala. Wala siyang tiwala sa maari niyang sabihin, lalo na't napaliligiran sila ng estudyante at guro ng G.S.

Kaya't iniba niya ang usapan.

"Labanan ng mga kilalang school dito sa probinsya ang Local's Competition. 'Yung mga nakasalamuha natin na nakadilaw? Kasama sila du'n." paliwanag ni Tala. "Wala namang masama sa Local's at wala rin akong poblema doon. 'Di ko lang gusto na lumalaki ang ulo ng ibang school kapag nananalo sila, parang 'yung Sinag Highschool."

"Sila kasi ang magaling sa lahat ng extracurricular activities, tapos G.S. naman sa academics. Kaso nu'ng nasira namin 'yung eight years na sunod-sunod na pagkapanalo ng Sinag, naging bitter sila."

"But losing is inevitable."

"Oo. Pero 'di nila matanggap 'yun. 'Di na kasi nila masasabi na sila ang nangunguna sa lahat ng extracurricular activities."

"So... That means they'll do everything para mabawi nila ang title nila sa inyo."

Tumango si Tala at sumandal sa kaniyang upuan. Lumingon siya kay Mayumi at alam niya na nararamdaman ni Mayumi ang pressure ng pagiging representative sa kaniya, kaya't nginitian niya siya at siniko nang mahina sa braso.

"Matagal pa naman 'yun, May-May." sagot ni Tala nang malumanay. "Tsaka 'di kami papatalo sa mga highlighter na 'yun, noh!"

Ngumiti pabalik si Mayumi at natawa nang bahagya.

"That wasn't my concern. I don't doubt that you'll win."

Nagtaka si Tala, kaya't nagpatuloy si Mayumi sa pagsasalita. Mahina ang kaniyang boses habang nakatingin sa mata ni Tala.

"It's just... When they pull you out, I'm going to miss you a lot."

Tiningnan siya ni Tala. Sinusuri ang kaniyang salita at mukha.

"Kung magsalita ka naman ba't parang 'di mo na 'ko makikita kahit kailan?"

"Oh, come on. When you think about it, mas nasa court ka na and I'll be at class. Do you think makakapag-usap pa tayo or hang out?"

Napaisip si Tala.

"Huh... May point ka rin."

'Wala naman kasi akong kaibigan dati kaya kahit i-pull out ako wala namang makakapansin.' isip ni Tala.

"When they pull you out, I'm going to miss you a lot."

'Totoo ba? O sabi mo lang 'yan?'

Nginitian ni Tala si Mayumi at siniko muli ang kaniyang braso.

Siniko din siya pabalik ni Mayumi habang nakasimangot. Kanina pa kasi niya siya sinisiko.

Natawa si Tala at itinaas ang kaniyang magkabilang kamay nang pasuko.

"Try mo sumali rin. Kung makasama ka, eh 'di magkasama na tayo! 'Di mo na 'ko mamimiss!" sabi niya. "Malaki naman incentives nila. Gagawa ka man ng activities pero puro exempted sa exams."

"As much as I want to, but I'm not good at anything doon."

"Kahit sa Spelling?"

Umiling si Mayumi.

Spring OnionsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon