Chapter 19. Dyip

221 22 23
                                    

Dalawampu't walo sila na sasayaw sa kanilang klase.

Subalit, labing lima lamang ang pumunta.

"Terror daw." bulong ni Mayumi sabay tingin kay Tala.

Ngumiti si Tala at humawak sa kaniyang leeg.

"Sorry na, fearless nga pala mga kaklase natin, eh."

Parehas silang nakaupo sa bleachers sa may taas, kaya't kitang kita nila kung sinu-sino ang mga kaklase nila na narito na sa covered court.

Ang mga boys ay naglalaro ng basketball bilang pampalipas-oras. Kumikinang ang kanilang mga noo dahil sa pawis, habang dinig na dinig naman ang pagtama ng bola sa lapag kasabay ang pagkiskis ng kanilang sapatos. Subalit, mas nakaaagaw pansin ang dalawang babae na naghahadali papunta sa hagdan.

Papunta sa kanila.

Butil-butil ang pawis sa noo ng magkaibigan at napayuko na lamang sila sa hingal noong makalapit kela Tala at Mayumi.

"Chelsea? Franchesca?" nagtatakang sabi ni Mayumi.

Nakaaalarma ang kanilang ekspresyon sa mukha na may halo-halong emosyon katulad ng inis, galit, at pag-aalala. Mas lalong nagtaka si Mayumi noong mapansin niya si Hana na umaakyat ng hagdan papunta sa kanila, ngunit kalmado at mabagal ang kaniyang paggalaw habang naglalaro sa kaniyang selpon.

"Mayumi." sabi ni Chelsea nang puro hangin. "Tingnan mo 'to!"

Itinapat niya sa mukha nila Mayumi at Tala ang screen ng kaniyang selpon.

Naging singkit ang mga mata ni Mayumi. Nahihirapan siyang basahin ang mga nakasulat dito kaya't kinuha ni Chelsea ang kaniyang kamay at inilagay rito ang selpon.

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Kumunot ang ilong ni Mayumi at tuluyan nang bumagsak ang kaniyang ngiti

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Kumunot ang ilong ni Mayumi at tuluyan nang bumagsak ang kaniyang ngiti.

"Sinend lang 'yan sa'min ni Hana." sabi ni Franchesca.

"Ngayon lang ito?" sabi ni Mayumi.

Nakikitingin si Tala mula sa kaniyang balikat kaya't itinapat niya ang selpon sa kaniya upang hindi siya mahirapan.

Spring OnionsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon