"LUH!!" sigaw ni Ryan. "Ayoko nga kita makagrupo, pasaway ka eh!"
Nakamamatay ang tingin ni Tala noong lumingon siya kay Ryan.
"Ha?!" sigaw naman ni Tala. "Kapal mo, Ryan! No'ng Grade 5 tayo, ako nagpahiram sa'yo ng lecture sa lahat ng subjects kasi nagbakasyon kayo!"
"Grade 5 pa tayo no'n, Grade 10 na tayo 'noh!"
BAM!
Nagulat silang dalawa noong hampasin ni Ms. Joellyn nang malakas ang lamesa.
"Everyone, be quiet! Nandito pa ako. Mag-usap kayo nang maayos."
"Sorry po, ma'am." sabay nilang sinabi.
"Pero iyon po ang desisyon ko po, Ma'am Joellyn. Ayaw ko po." ang matiwasay ngunit seryoso na sabi ni Ryan.
"How about the rest?" tanong ni Ms. Joellyn.
Umiling kaagad ang ibang mga lider.
"Well, sorry to say Tala, pero kay Mayumi kita igrugrupo."
Kumumot ang noo ni Tala at lumabas ang kaniyang ugat dito.
'Huwag mong isipin na susunod ako sa'yo!' ang sasabihin sana ni Tala kay Mayumi, ngunit nakita niya na nagpipigil ng tawa si Mayumi.
'Pinagtatawanan niya ba ako?!'
Nagkungwari na umubo si Mayumi sa kamay at niyaya si Tala na tumayo sa tabi niya.
Pero hindi tumabi sa kaniya si Tala. Tumayo siya sa pinakadulo, sa tabi ng isa nilang kaklase na tahimik.
"Your economics teacher and I have agreed to collaborate in this project. So, since economics, need niyo magbenta sa Nutrition Month ng kahit na anong gusto niyo. Basta fit ito sa tema natin na 'Healthy Diet Gawing Affordable for All'. Therefore dapat healthy and cheap siya!"
'Huh? Hindi ba masiyado pang maaga para magbenta kami? Kakapasok lang namin, eh.' isip ni Tala.
"I know what you're thinking, 'Ma'am, hindi po ba masiyado pang maaga para magbenta kami? Eh, kapapasok pa lamang namin.' I know that mga 'nak."
Napatingin si Tala sa kaniyang mga kaklase upang tingnan kung nagulat din sila katulad niya.
'Mindreader ba si ma'am?!'
"Gagawin niyo ito para maging ready kayo for the foundation week na gaganapin kasabay ng Intrams before the end of the school year. Think of this as a practice para alam niyo na kung paano mas pagagandahin ang stalls and pagsell ng products, okay?"
"You will be given a few weeks starting from now to prepare and think of a healthy and unique food to sell. Wala akong makikita na magtitinda ng french fries at footlong diyan, ha. 'Pag ako may nakitang footlong diyan, sinasabi ko sa inyo, ibabagsak ko kayo." tiningnan niyang maigi ang bawat estudyante bago magpatuloy muli.
"The only thing I'd be strict on is for you to connect this project to our subject, which is Science. Kaya't dapat mayroon kayong pamphlet, menu, or whatever on your stall..."
Nagpatuloy na nagsalita si Ms. Joellyn, habang si Tala naman ay nakatingin sa tahimik niyang katabi na may dala-dalang lapis at kuwaderno. Akala niya noong una nagsusulat siya, ngunit napansin ni Tala na gumuguhit pala siya.
Inalis kaagad ni Tala ang kaniyang pasimpleng tingin bago pa niya mapansin.
"Everyone!" ang malakas na sinabi ng kanilang guro upang mapukaw ang kanilang mga atensiyon. "Form a circle and have a discussion about your project for the remaining of our time. Phones are not allowed, try to be original and creative. Please make sure na makapagsusubmit na kayo ng product within the week and dapat panindigan niyo ito, ha."
BINABASA MO ANG
Spring Onions
RomanceMGA KARAKTER... Magaling magcutting sa klase si Tala, ngunit uubra kaya iyon sa terror nilang class president na si Mayumi? _______ ANG NILALAMAN... Hinahanap-hanap mo ba ang pakiramdam na maging isang Junior High School student, o isa kang Junior...