"Everyone, please pass your papers." ang anunsyo ni Mayumi mula sa harap.
"Anong subject ba 'yan?" tanong ng isa nilang kaklase.
"Math." sagot ni Mayumi.
Puro bulong ng reklamo ang kaniyang mga kaklase matapos marinig iyon, ngunit lumapit naman sila kay Mayumi para magpasa. Habang si Tala naman ay nanatiling nakaupo sa kaniyang upuan at hinahalungkat ang loob ng kaniyang bag para sa kaniyang baunan.
"Ikaw, Tala?" tanong ni Mayumi.
"Wala."
Isinara ni Tala ang kaniyang bag at isinukbit ito. Dumiretso siya kaagad palabas para pumunta sa canteen.
Medyo nahirapan siya sa pagbaba ng hagdan dahil namamaga pa rin ang nakabenda niyang bukung-bukong. Kinailangan niya muna magsuot ng tsinelas kapag pumapasok ng eskuwelahan hanggang gumaling ito.
Hindi niya pa rin makalimutan ang nangyari kahapon.
Hindi lamang ang hirap niya sa pagkusot ng kaniyang malansang palda, kuskusin ang nangangamoy niyang balat, at amoy ng mabahong katas ng tubig at putik sa lapag ng stall ang mga bumabagabag sa kaniya.
Hindi...
Ang sinabi ni Mrs. Quintos ang walang tigil na umiikot sa kaniyang utak.
Naalala niya ang kaniyang maunawaing tinig, ngunit nakaririndi ito para sa kaniya.
"Kahit anong paliwanag ni Mayumi, alam ko ang totoo. Alam kong balak mong magcutting." sabi niya habang binabalot ang kaniyang bukung-bukong ng benda.
Napahawak si Tala nang mahigpit sa dulo ng kama ng clinic. Parang binabali ang kaniyang buto dahil sa sobrang sakit nito, ngunit mas pinagtuunan niya ito ng pansin kaysa sa mga sinasabi ni Mrs. Quintos.
Tinapos muna ni Mrs. Quintos ang pagbalot ng benda sa kaniyang paa bago magsalita muli. Nakatingin siya kay Tala at nakahawak sa kaniyang tuhod. Halata ang pag-aalala sa kaniyang mga mata.
"Tala, anong nangyari? Maayos na estudyante ka naman noon, bakit bigla ka na lang nagbago? Alam ko na mas magaling ka na sa extracurricular activities, pero huwag mo naman sana ito hayaan na makaapekto sa pag-aaral mo." malumanay ang kaniyang tinig pero seryoso siya,
"Puro volleyball na lang ba? Hindi ka na ba mag-aaral?"
"You received my message naman, 'di ba?" biglang sabi ng isang tao sa tabi niya.
Muntik nang malunon ni Tala ang sinisimot niyang buto ng adobo.
'Bakit ba bigla-bigla na lang sumusulpot ang babae na 'to?! Maniningil ba siya ng utang sa dati niyang buhay??!!'
Napatingin si Tala kay Mayumi.
Malaki ang kaniyang mga mata at puno ng salsa ang gilid ng kaniyang labi at dulo ng kaniyang mga daliri.
"Baliw ka ba?!" sagot ni Tala. "Kita mo naman na kumakain ako tapos kakausapin mo 'ko!"
"I can see that, pero hindi naman kita hinahadaling sumagot."
BINABASA MO ANG
Spring Onions
Storie d'amoreMGA KARAKTER... Magaling magcutting sa klase si Tala, ngunit uubra kaya iyon sa terror nilang class president na si Mayumi? _______ ANG NILALAMAN... Hinahanap-hanap mo ba ang pakiramdam na maging isang Junior High School student, o isa kang Junior...