Chapter 31. Sa'yo

129 16 29
                                    

OCTOBER 7, 2023. SATURDAY.

Halos ilang araw na rin ang lumipas noong mapag-usapan nila ang gagawin.

Mainit ang sinag ng araw kung kaya't tumutulo ang kanilang pawis sa noo at pumapatak sa kanilang pisngi.

9:45 AM

Kanina pa nakatayo sina Tala, Hana, at Ryan sa tapat ng mall at naghihintay.

Kanina pa nakatayo sina Tala, Hana, at Ryan sa tapat ng mall at naghihintay

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

'Nakaseen silang lahat.

Pero ba't ni isa sa kanila wala dito?'

Pinatay ni Tala ang kaniyang selpon upang suriin ang kaniyang paligid. Mainit na nga ang panahon, pinaiinit pa nila ang kaniyang ulo.

Hinawakan ni Tala ang kaniyang noo at naramdaman ang pagkirot nito.

Kumunot ang kaniyang noo.

'Ano, kami-kami lang mag-aambagan tapos kami pa gagawa?'

Mga.....'

Bago pa matapos ang iniisip ni Tala, naitype na niya ito sa kaniyang selpon.

Bago pa matapos ang iniisip ni Tala, naitype na niya ito sa kaniyang selpon

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Nakatitig si Tala sa kaniyang cursor na nagbiblink sa screen.

Malaking parte sa kaniyang sarili ang gustong pindutin ang send.

'Ang dali lang nito. Isang pindot lang.

Kaso...

Ano ba ang mangyayari kung isend ko 'to?

Tutulong ba sila?

Pupunta ba sila?

May magbabago ba?

...

Parang wala naman.'

Pumikit nang madiin si Tala at pinatay ang kaniyang selpon. Isiniksik niya ito sa loob ng kaniyang bulsa at nagsimulang maglakad nang mabigat ang kaniyang mga hakbang.

'Hayaan mo na. Hayaan mo na lang sila.' paalala niya sa kaniyang sarili. ''Wag mo na lang patulan. 'Di ka na ganu'n, 'di ba?'

Huminga nang malalim si Tala at pinunasan ang pawis sa kaniyang baba.

Spring OnionsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon