Chapter 16. Tiger

350 22 53
                                    

Pinanood ni Tala si Mayumi umalis.

'Huh? Galit ba siya?' isip niya.

Umiling siya.

'Hindi 'yan! Sasabihin naman niya yata kung galit siya.'

Tumakbo si Tala at sumunod kay Mayumi. Bumalik ang kaniyang ngiti noong makalapit na siya kay Mayumi.

"May-May! Hi, hello! Good morniiiing!" sabi niya. "Nakaheadset ka ba, lods?"

Hindi lumingon si Mayumi sa kaniya.

Binilisan niya ang kaniyang paglalakad, kaya't binilisan din ni Tala upang makasabay siya kay Mayumi, hanggang sa napatakbo na lamang si Mayumi.

Akala ni Tala nakikipaglaro si Mayumi, kaya't tumakbo na rin siya kasabay si Mayumi.

Napalingon sa kanila ang mga estudyante na nasa elementarya na nalagpasan nila.

Naka-aagaw nga naman kasi ng pansin ang dalawang highschooler na nagtatakbuhan na tila ba nasa isang marathon.

"Ba't ka tumatakbo???" sabi ni Tala noong makalapit na siya kay Mayumi.

Mayroong malaking ngiti sa mukha ni Tala habang kinakausap si Mayumi, habang si Mayumi naman ay natataranta at naiinis na sa kaniya. Namumula na rin ang kaniyang mukha dahil sa pagod at init ng panahon.

"BA'T KA BA KASI SUMUSUNOD????" sigaw ni Mayumi noong lumingon siya sa kaniya.

Akala ni Tala nakikipagsigawan naman siya kaya't sumigaw na rin siya habang nakangiti.

"EH SABAY TAYO PALAGI PUMASOK 'DI BA??!"

"HUWAG MO NA NGA AKONG SUNDAN!!!"

Unti-unting bumagal ang pagtakbo ni Tala hanggang sa tuluyan na siyang huminto. Ngumuso siya habang pinapanood si Mayumi tumakbo paalis.

"Eh 'di 'wag!" sagot niya.

_______

Pagpunta ni Mayumi sa kanilang silid-aralan, nakaayos na ang mga upuan sa gilid ng dingding.

Nagkaroon siya ng malaking simangot noong makita niya si Tala na nakaupo sa kaniyang katabing upuan. Parang may sariling buhay ang kaniyang isang kilay dahil kaagad itong tumaas noong lumapit siya kay Tala.

"I thought sinabi ko na sa iyo na huwag mo akong sundan?"

Tumigil ang pagkuyakoy ng paa ni Tala at tumingin siya kay Mayumi nang nakakunot ang kaniyang noo.

"Boang ka ba? Magkaklase tayo e."

"But that's not even your seat!"

Tumingin si Tala sa kaniyang armchair at tumingin muli kay Mayumi.

"Sabi mo lang naman ''wag kang sundan', hindi ''wag tumabi sa'yo'."

Kinuha ni Mayumi ang kaniyang bag sa upuan at dinala ito sa pinakamalayong bakanteng upuan. Buti na lamang nasa gawi ito nina Chelsea at Franchesca, kaya't mayroon siyang makakausap.

Hindi nakita ni Mayumi ang mukha ni Tala dahil takang taka na siya sa kung ano ang nangyayari.

_______

Nirespeto ni Tala ang pag-iwas ni Mayumi sa kaniya at binigyan siya ng distansya, ngunit palagi naman siyang nakatingin kay Mayumi nang nag-aalala.

Noong pagsapit ng breaktime at natapos na silang lahat sa pagpapractice ng sayaw, pinayagan na sila ni Mayumi na magbreaktime.

"Thanks for your cooperation. You may have your 15 minutes break." sabi ni Mayumi. "Balik kayo kaagad, ha! Gagawa naman tayo ng props!"

Walang nakinig sa kaniya.

Spring OnionsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon