Chapter 24. Isda

149 16 16
                                    

RIIIINGG!!! RIIIINGG!!!

Kaagad ito na pinatay ni Tala at napatulala sa kisame kahit hindi naman niya ito makita nang maayos dahil sa sobrang dilim

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Kaagad ito na pinatay ni Tala at napatulala sa kisame kahit hindi naman niya ito makita nang maayos dahil sa sobrang dilim.

Alam mo iyong pakiramdam na kinakabahan ka kasi hindi mo alam kung anong mangyayari, pero at the same time excited ka?

Iyon.

Ganoon ang feeling niya ngayon, kaya't parang bumabaligtad ang kaniyang sikmura.

6:00 ang calltime sa school, kapag daw hindi nakapunta on time, iiwanan na ng bus. Hindi naman naniniwala si Tala kasi Filipino time naman ang nasusunod sa eskuwalahan nila. Ito ang isa sa maraming bagay na kinaiinisan niya sa kanila.

Paglabas ni Tala ng kanilang bahay, giniginaw siya sa lamig ng hangin kahit na nakahoodie siya. Naririnig niya ang alulong ng mga aso sa labas at ang pagdaan ng mga tricycle na maagang pumapasada. Nilock niya ang kanilang gate bago maglakad sa gilid ng madilim at tahimik na kalsada.

Pagdating niya sa eskuwelahan, natanaw niya ang mga bus na nakapila. Pito lamang ito sapagkat higit kumulang na tatlong daan lamang ang kabuuan na estudyante ng Graciano Santiago at kaunti rin ang mga guro rito.

Naaninag ni Tala ang mga highschooler na naghihintay sa gilid. Naningkit ang kaniyang mga mata noong makita ang iba na mayroong bitbit na thermos o kaya naman malaking unan at kumot.

'Maglalayas ba 'tong mga 'to??'

Nasa Bus 6 silang Grade 10. Wala pa siyang kaclose na naroon pero buti pinayagan na silang pumasok sa loob ng bus. Humakbang si Tala papasok pero kaagad din siyang napaatras noong maramdaman niya kung gaano kalamig sa loob.

Nagtaka naman ang kasunod niya pero hindi na lamang nagkomento.

'Lamiiiig! Para akong hotdog sa ref!'

Mas pinili na lamang niya tumambay sa labas at magselpon.

Pagpatak ng 5:40, doon pa lamang nagdagsaan ang mga estudyante. Bigla na rin umingay at kasabay noon ang pagliwanag ng langit. Doon pa lamang siya pumasok sa loob. Napansin ni Tala na mayroong mga estudyante rito na hindi niya kilala. Hinaluan pala sila ng ibang baitang ng highschool para mapuno ang bus.

Umupo siya sa may dulo kung saan nakalagay ang number '46'. Magkakatabi sila nina Mayumi, Chelsea, at Frachesca. May sobrang isang upuan sa kabilang bintana, ngunit wala pang nakaupo rito.

Malamig pa rin sa loob ng bus ngunit komportable na ito, kaya't hindi mapigilan ni Tala na antukin noong sumandal siya sa bintana na nakatakip ng kurtina.

...

..

.

"⸺g kang maingay!"

"Uggh, gusto ko nga sabi sa bintana, eh!"

SKKRRRRXXX!!!

Napangiwi si Tala sa matinis na tunog ng mic na parang metal na kinakaskas sa pisara, kasabay nito ang pag-andar ng bus kaya't napahawak si Tala sa kaniyang upuan upang hindi matumba.

Spring OnionsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon