Mabagal ang takbo ng oras.
Pati nga ang sinasabi ng guro ay parang nakaslow motion.
"Can anyone solve this problem?" sabi niya.
Sinuri ng kaniyang mga mata ang silid-aralan.
"Sir!"
Halos mabuhayan ng loob ang kanilang guro noong may magtaas ng kamay.
"Yes, Ms. Luwalhati?"
"Mag-ccr lang po."
Parang bula ang ngiti ng kanilang guro noong ito ay mawala.
"Kung magccr ka, bakit naka-bag ka?" tinaasan siya ng kilay ni Sir. Miguel.
Natawa si Tala nang bahagya imbes na matakot.
"Ah," nagkibit-balikat siya. "Girl stuff po."
Nakataas pa rin ang kilay ni Sir. Miguel.
"Yuh, sir? Kailangan ko pa ba i-explain? 'Di ba buwan-buwan 'yung mga babae nagkakaro'n ng-"
"Sige na! Basta bumalik ka kaagad. We're having a quiz after this-"
Nagsasalita pa si Sir. Miguel, tumayo na si Tala sa kaniyang upuan at mabilis na lumabas ng kanilang silid-aralan gamit ang pinto sa likod.
".... At umalis na siya." napabuntong hininga na lamang ang kanilang guro. "Anyways! Class, can anyone solve this problem?"
Hindi naman nagsinungaling si Tala kasi dumiretso siya kaagad sa comfort room ng girls sa unang palapag ng eskuwelahan nila.
Comfort room...
Bakit nga ba comfort room?
Tila hindi matatawag na "comfort room" ang lugar na ito dahil sa sobrang panghi at rumi ng lapag.
"Bumalik kaagad?" binuksan ni Tala ang pinto ng stall at pumasok sa loob.
Nilock niya ang pinto at tumungtong sa inodoro upang buksan ang maliit na bintana sa taas na kinakawit mula sa loob. Sobrang taas ng bintana nito na halos malapit na ito sa kisame.
"As if!" sabi ni Tala. "Sabihin ko sumakit puson ko!"
Maingat na nakatapak si Tala sa gilid ng kanilang inodoro dahil wala naman itong takip.
Binuksan niya ang bintana at nilusot ang kaniyang ulo rito nang nakahawak nang maigi sa ledge.
Ngunit ang ngisi sa kaniyang labi ay nawala noong may bumungad sa kaniya na mukha.
Makinis ang kaniyang kutis at may natural na pula sa kaniyang mga pisngi, habang ang kaniyang buhok naman ay walang katikwas-tikwas.
Mukha siyang mabait.
Kaso biglang naging matalas ang kaniyang tingin.
Ang lisik sa kaniyang mga mata ay kasing bagsik ng isang tigre.
"NAGCUCUTTING KA NA NAMAN?!" sigaw niya sa mukha ni Tala.
Napatili si Tala.
Dumulas ang kaniyang sapatos sa gilid ng inidoro kaya't lumusot ang kaniyang paa sa loob nito.
Natapilok siya at lumagapak sa lapag.
Amoy lupa at kanal ang sahig ng CR ng girls, ngunit mas pansin ni Tala ang basa niyang sapatos at dulo ng palda. Masuka-suka at mangiyak-ngiyak na sumigaw si Tala.
BINABASA MO ANG
Spring Onions
RomanceMGA KARAKTER... Magaling magcutting sa klase si Tala, ngunit uubra kaya iyon sa terror nilang class president na si Mayumi? _______ ANG NILALAMAN... Hinahanap-hanap mo ba ang pakiramdam na maging isang Junior High School student, o isa kang Junior...