MEANWHILE...
"ASOO??!!"
Muntik nang mabagsak ni Tala ang mug na mayroong umuusbong na sibuyas na mura.
"MUKHA BA AKONG ASO?????!!"
_______
KINABUKASAN...
"Tala!"
Napalingon si Tala.
"I received your choreo." sabi ni Mayumi noong makalapit siya kay Tala.
Ang tampo ni Tala mula kagabi na hindi niya nadaan sa tulog ay nawala roon.
"Kumusta naman? Okay lang ba?"
Tumango si Mayumi nang may ngiti.
"Thank you. A lot."
Ibinalik ni Tala ang ngiti niya.
Sabay silang naglakad papunta sa kanilang silid-aralan.
Hindi pa naman magsisimula ang kanilang klase kaya't hindi sila nagmamadali.
"Ano, uh." biglang sabi ni Tala.
Napatingin sa kaniya si Mayumi.
"Du'n sa tinanong mo kahapon." patuloy niya. "Madalas akong leader dati."
Hindi nakatingin sa kaniya si Tala. Mahigpit ang kaniyang hawak sa strap ng kaniyang backpack.
"High honors ako, pero ngayon hindi na."
Hinintay siya ni Mayumi magpatuloy, ngunit nanatili siyang tahimik.
Ang nakalugay na buhok ni Tala ay nahuhulog sa kaniyang balikat at unti-unti nang natatakpan ang kaniyang mata habang siya ay naglalakad.
Malayo na naman muli ang kaniyang tingin at nakatuon ang pansin sa kaniyang iniisip.
Lumapit si Mayumi sa kaniya at inayos ang kaniyang bangs, kaya't napatingin sa kaniya si Tala nang may pagtataka.
"Sometimes we can't maintain something, and that's okay." sabi niya. "I've said this before and I will say it over and over again. What matters most is you're trying and doing your best, and that's enough."
Inilagay ni Mayumi ang buhok ni Tala sa likod ng kaniyang tainga.
Ngumiti na muli si Tala. Maliit ito at mayroong pagka-inosente.
Inalis ni Mayumi ang kaniyang kamay sa buhok ni Tala upang hawakan nang maigi ang kaniyang tubigan.
"May-May, may tanong din pala ako para sa'yo."
"What is it?"
"Ba't ka ba lumipat?"
Napatigil si Mayumi.
Gustong sagutin ni Mayumi ang kaniyang tanong, ngunit ano ang kaniyang sasabihin?
'Because I didn't have any friends? Wouldn't that just make me sound... Desperate?'
"I..."
"Mayumi!" sigaw ni Franchesca.
Sabay na napatingin sina Mayumi at Tala kay Chelsea at Franchesca na nakatayo sa huling hakbang ng hagdan na papunta sa pangalawang palapag.
"Hinahanap ka na ni Sir. Lazaro! Magstart na raw!"
"Already?"
"Oo! Gamitin daw ulit time ni Sir. Batungbakal!"
"Oh, okay." tumingin si Mayumi kay Tala. "'Lika na?"
Tumango si Tala ngunit halata sa kaniya na hinintay niya ang sagot ni Mayumi.
BINABASA MO ANG
Spring Onions
RomanceMGA KARAKTER... Magaling magcutting sa klase si Tala, ngunit uubra kaya iyon sa terror nilang class president na si Mayumi? _______ ANG NILALAMAN... Hinahanap-hanap mo ba ang pakiramdam na maging isang Junior High School student, o isa kang Junior...