CONTINUATION...
Pumupunta na ang mga bisita sa harapan upang ilagay ang kanilang regalo sa mahabang lamesa, ngunit nanatili si Tala sa gilid at pinanood lamang sila.
Halatang mamahalin at magarbo ang kanilang regalo base lamang sa kung paano ito binalot gamit ang makintab at sosyal na pambalot.
Nakakahiya naman kasi isama ang ordinaryong paperbag doon, hindi ba?
Napansin ni Tala na pabalik na si Mayumi mula sa pagkuha ng pagkain, kaya't kaagad niyang itinago ang kaniyang hawak na paperbag sa kaniyang likod.
Mayroon siyang hawak na malaking plato sa isang kamay at homemade coke float naman sa kabila.
"Nabigay mo na 'yung gift?" tanong ni Mayumi.
Iniabot niya kay Tala ang kaniyang dalang pinggan.
Umawang ang bibig ni Tala noong mapansin ang laman nito.
Shanghai!!!!
Mas marami pa nga ito kaysa sa mismong kanin!!
Gulat na tumingin naman si Tala kay Mayumi.
Ngumiti lamang si Mayumi at nagkibit-balikat.
"Baka maubusan ka ulit, so, kinuha na kita. I remembered noon nu'ng birthday ng neighbor mo, gusto mo ng shanghai."
'Pero wala naman akong sinabi nu'n? Pa'no niya nalaman?'
Napaiwas si Mayumi ng tingin, tila ba napansin ang pagtataka ni Tala.
"Well... back then, you kept looking at the shanghai. Kahit na wala nang laman 'yung tray, sinisilip mo pa rin."
'Ay. 'Di ko alam na mukha pala akong timawa sa shanghai.'
Ngunit, hindi sumagot si Tala.
Tiningnan niya lamang si Mayumi, nagningning ang kaniyang mga mata sa galak at ngumiti siya nang malaki bilang pasasalamat.
Inangat niya ang kaniyang isang kamay upang kuhanin ito, kaya't nalipat ang tingin ni Mayumi sa kaniyang regalo na pilit niyang itinatago.
Dahil doon, tiningnan siya nang maigi ni Mayumi.
Nangungusap ang kaniyang mata na nagtatanong;
"Bakit hindi mo ibinigay?"
Itinikom ni Tala ang kaniyang bibig at nanlaki nang bahagya ang kaniyang mga mata.
"Seryoso? Napansin mo pa 'yun?" sagot ni Tala. "Lahat ba napapansin mo? Eh, ba't blackboard natin 'di mo mabasa?"
"It's kinda obvious naman," katwiran ni Mayumi at itinuro ang kamay ni Tala na nasa likod niya. "My vision is bad pero not bad enough na hindi mapansin na you're hiding something."
"Galiiiing," pang-asar ni Tala sabay ngiti at angat ng kaniyang kamay na may hawak na paperbag upang ipakita kay Mayumi. "Puwede na, puwede ka na kunin sa live action ng Detective Konan."
Sumimangot nang bahagya si Mayumi ngunit hindi naman siya sinuntok kasi may hawak siya, ngunit pasimple naman niya na sinilip ang loob ng paperbag ni Tala.
"'Wag kase." sabi ni Tala sabay sarado nito.
"What's inside it ba?"
"Basta."
"Patingin, one second lang."
"Ayaw."
"One second lang, promise!"
Sumimangot si Tala, ngunit binuksan pa rin ito nang bahagya tapos kaagad na isinarado.
"What? Wala pang one second." daing ni Mayumi.
BINABASA MO ANG
Spring Onions
RomanceMGA KARAKTER... Magaling magcutting sa klase si Tala, ngunit uubra kaya iyon sa terror nilang class president na si Mayumi? _______ ANG NILALAMAN... Hinahanap-hanap mo ba ang pakiramdam na maging isang Junior High School student, o isa kang Junior...