Sa gitna ng pag-uusap at tawanan nina Mayumi, Chelsea, at Franchesca, hindi pa rin mapigilan ni Mayumi na hindi lumingon sa gawi ni Tala.
Subalit, wala na siya rito.
Napahinto si Mayumi, hinahanap kung nasaan siya.
"Mayumi?" tawag ni Chelsea sa kaniya.
Napag-iiwanan na pala siya.
"Right, coming!"
Noong makalapit sila sa store, naiimagine na ni Mayumi ang kaniyang makikita sa loob.
Maraming mga tao na nag-aagawan ng make-up, tapos sobrang ingay.
Pero ang totoo?
Mas malala pa pala ito rito.
Punong puno ang store ng mga estudyante katulad nila, iyong iba nga naka-uniporme pa!
Nahilo si Mayumi sa kaniyang nakita.
'Oh god... People... So many people...'
Parang hinigop paalis ang kaniyang kaluluwa, subalit nawala ang kaniyang panghihina noong hawakan siya ni Chelsea sa balikat.
Mayroon siyang ngiti na puno ng determinasyon, habang si Franchesca naman ay mukhang palaban na tila ba handa na siyang makipagsuntukan.
"Tao lang kayo, gipit kami!" sabi ni Chelsea.
Napangiti si Mayumi at inakbayan din siya.
Nawala na ang takot na namumuo sa damdamin ni Mayumi.
"Yeah!" sagot niya.
"Okay mga ante, hawak na." sabi ni Franchesca at inilahad ang kaniyang mga kamay. "Sasabak na tayo sa gera."
Hindi naman pala ganoon kalala sa loob ng store sapagkat marami sa mga namimili ay nakapila na sa kahera. Marami at magulo lamang pala sila tingnan sa labas.
Ngunit ibig sabihin din noon ay...
Kaagad na lumapit si Chelsea sa shelf na mayroong nakapaskil na 50% off.
Parang binagyo ang mga lipgloss dahil hindi na sila nakatayo sa sari-sarili nilang lalagyanan kaya't bungi-bungi na ito tingnan. Ang iba ay mayroon pang bahid ng iba't ibang uri ng kalimbahin.
"Mayumi, tingnan mo 'to..." dismayadong sabi ni Chelsea. Hinawakan niya ang natatanging lipgloss na hindi naburara. "Ito na lang 'ata 'yung okay subukan, pwede na 'yung shade na 'to?"
Masiyadong matingkad ang kulay na ito.
Umiling si Mayumi.
"Hindi siya fit sa skin color mo."
Lumapit si Mayumi sa shelf at maingat na pinili ang mga ito. Makalat ang mga ito sa kamay sapagkat pati ang katawan ng mga lipgloss ay mayroong bakas ng mga daliri na may kulay.
Porket kasi tester lamang ang mga nakadisplay rito, hindi na inayos ng mga gumamit ang paggamit nito.
Malagkit na ang mga kamay ni Mayumi noong makakuha siya ng isang lipgloss na mukhang hindi sinalaula ng sampung tao. Tinapat niya ito kay Chelsea bago umiling at kumuha ng panibago.
"Oh! This one bagay kay Franchesca!"
"Sa akin?"
Akala mo isa siyang contestant sa Miss Universe na biglang tinawag upang koronahan. Nakanganga pa siya at hindi makapaniwala.
Nagningning ang mga mata ni Franchesca noong i-abot ito ni Mayumi sa kaniya.
"That's a tester, though, wait hanap kita ng bago."
BINABASA MO ANG
Spring Onions
RomanceMGA KARAKTER... Magaling magcutting sa klase si Tala, ngunit uubra kaya iyon sa terror nilang class president na si Mayumi? _______ ANG NILALAMAN... Hinahanap-hanap mo ba ang pakiramdam na maging isang Junior High School student, o isa kang Junior...