Chapter 18. Hardin

250 18 35
                                    

"Anong oras na?" sabi ni Tala habang kinakadena nila ang kanilang bisekleta sa paradahan nito.

Tumingin si Mayumi sa orasan at namutla.

"We have to hurry!" sabi niya at mabilis na kinadena ang kaniyang bisekleta. Lumingon siya kay Tala. "We only have ten minutes left!"

"HA??!" nanlaki ang mga mata ni Tala.

Itinigil niya ang pagkadena sa kaniyang bisekleta at inalis ito sa poste. Nagtama ang kaniyang mga kilay noong umangkas siya sa kaniyang bisekleta at hinawakan ang magkabilang hawakan nito.

Nanatiling nakatayo si Mayumi nang mayroong pagtataka, kaya't tumingin sa kaniya si Tala at sinenyas ang upuan sa kaniyang likuran.

"Dali! Umangkas ka na."

"But⸺"

"Okay lang." kalmadong sagot ni Tala.

Tiningnan siya ni Mayumi nang mayroong pag-aalinlangan, sapagkat mahigpit na ipinagbabawal ang paggamit ng bisekleta sa loob ng campus.

Subalit umangkas siya sa upuan at humawak sa likod ng damit ni Tala.

"Kumapit ka nang maayos."

Hindi gumalaw si Mayumi, kaya't binitawan ni Tala ang hawakan ng kaniyang bisekleta at hinawakan ang kamay ni Mayumi upang tanggalin ito sa likod ng kaniyang blusa.

Ngunit ubod nang higpit nito.

"Mayumi, bitaw."

Mas lalo pang humigpit ang hawak ni Mayumi kaya't napalingon na sa kaniya si Tala.

"Mas lalo ka pang malelate! Bumitaw ka na!"

"NO!"

"HUMAWAK KA NA KASI SA BEWANG KO!!"

"I DON'T WANT TO!"

"MAYUMI!!!"

"NO!!!!"

Umikot ang mga mata ni Tala at binitawan ang kaniyang kamay.

"Bahala ka."

Mabilis na umandar ang bisekleta at muntik nang tumilapon si Mayumi mula sa likuran, subalit pinanindigan niya ang pagkapit sa likod ng damit ni Tala.

Pumikit siya at yumuko.

Napadilat na lamang siya noong naramdaman niya ang lubak na daan.

Tumingin siya mula sa likod ng balikat ni Tala at nakita ang hardin ng kanilang eskuwelahan.

Nanlaki ang mga mata ni Mayumi noong biglang lumiko si Tala sa mga halaman at bumungad sa kanila ang isang estudyante sa elementarya na mayroong yakap-yakap na paso.

"HOY!!!! TABI!"

Sumigaw ang bata at sinubukan na tumakbo paalis, subalit nadapa siya dahil sa pagkataranta.

Mabilis siya na naiwasan ni Tala, subalit dumiretso ang kaniyang bisekleta papunta sa taniman ng iba't ibang klase ng mga namumunga na halaman.

Doon nakita ni Tala at Mayumi ang iba pang mga estudyante sa elementarya. Nakasuot sila ng uniporme na pang P.E., sumbrero at guwantes. Abala sila sa pagtatanim ng talong sa lupa, subalit napatigil sila noong makita ang bisekleta na papalapit sa kanila.

Tumili silang lahat at dali-daling niyakap ang kanilang makukulay na paso na dating lalagyanan ng soft drink bago tumakbo paalis ng daraanan ng bisekleta.

Ang ibang paso ay mayroon nang usbong na maliit na talong habang ang iba ay wala pa.

Muntik nang sumemplang si Tala noong biglang humarang sa kanila ang isang guro na nakasuot ng shades at sumbrero na malaki.

Spring OnionsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon