Chapter 7. Sorry

311 26 42
                                    

Mas madaling isipin ngunit mas mahirap gawin.

Ito ang kasabihan na ramdam na ramdam ni Mayumi noong pagpasok niya sa kanilang silid-aralan.

Biyernes ngayon, hindi natuloy ang kanilang Flag Ceremony dahil madilim ang langit.

Nakaupo si Tala malapit sa bintana at pilit na hinihiling ni Mayumi sa kaniyang mga binti na pumunta sa kaniya upang masabi ang kaniyang paumanhin, ngunit para bang nakadikit ang kaniyang mga paa sa lapag.

"Good morning Mayumi!" bati ng isa nilang kaklase na babae sa kaniya.

Namutla si Mayumi noong lumingon si Tala at nagkatinginan silang dalawa.

'This is it,' isip niya. 'Maglakad ka na kasi!'

Ngunit nanatili pa rin siyang nakatayo.

Nataranta si Mayumi noong tumayo si Tala sa kaniyang upuan at naglakad papunta sa kaniya nang mayroong ekspresyon na hindi niya mabasa.

'Hindi na siya masiyadong iika-ika.' pansin niya.

Dahan-dahan na inangat ni Tala ang kaniyang kamay at ibinigay kay Mayumi ang kaniyang hawak.

Isa itong laso na kulay lila.

Ito ang laso niya na madalas niyang itinatali sa buhok niya.

Napahawak si Mayumi sa kaniyang buhok.

'I didn't notice na nawala ko siya the other day...'

Kinuha ito ni Mayumi at napansin niya na malinis ito at walang bakas ng ano man na dumi.

'Kung noong isang araw pa ito nahulog, why is is still clean?

At higit sa lahat, bakit ibinilak niya pa ito? Bakit hindi na lamang niya ito itinapon?

Nagsisisi ba siya?'

"Wait," sabi ni Mayumi bago siya umalis.

Lumingon si Tala sa kaniya at napansin ni Mayumi na hindi niya kayang tingnan siya sa mata.

"Nagsisisi ka ba?"

Nabigla si Tala at napatingin direkta sa mata ni Mayumi.

Napatakip si Mayumi ng bibig niya noong maisip niya na nasabi niya pala ito nang malakas.

"Huh?" ang sagot ni Tala.

Hindi ito palasigaw, maangas, mayabang, o pagalit, kung hindi marahan at maingat. May bakas ng sakit at takot.

Tumingin si Tala sa kaniyang paligid, lalo na sa gawi ni Kayla, bago tumingin muli kay Mayumi.

Bumuka ang kaniyang bibig upang magsalita, ngunit mayroong mas naunang magsalita kaysa sa kaniya.

"Bakit kayo nakaharang sa pasukan ng silid-aralan? Hindi ba ninyo naiisip na kayo ay nakaaabala?"

Napatingin silang dalawa sa kanilang guro. Napalayo si Mayumi sa kaniya nang may pagkapadaskol, kaya't muntik na niyang mabunggo si Tala.

"Sorry po, sir."

"Paumanhin po."

"Paumanhin po, sir." ulit ni Mayumi.

"Maupo na kayo at magsisimula na tayo sa ating klase."

Wala na silang nagawa kung hindi bumalik sa kanilang mga upuan.

_______

Sa MAPEH nila, gumaan ang loob ni Mayumi dahil sa masigla at maunawaing bungad ng kanilang guro. Alam niya kung paano kukuhanin ang kanilang mga atensiyon at pasisiyahin.

Spring OnionsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon