NOONG HINDI PUMASOK SI MAYUMI...
Nakahiga si Tala at nakatitig sa kisame. Nararapat siyang magpahinga, ngunit nalulunod siya sa loob ng kaniyang isipan.
Nasa palad niya ang kulay lila na laso ni Mayumi.
Noong mapulot ito ni Tala sa lapag ng silid-aralan nila, kulay grey na ito at puro bakas ng tapak ng sapatos.
Dapat itatapon na niya ito, ngunit hindi naman niya magawa.
'Kung makakalimutan ko 'to, itatapon ko. Kapag naalala ko, ibabalik ko.'
Iyon ang sabi niya sa kaniyang sarili, subalit imbes na maging payapa at magaan ang kaniyang pakiramdam habang nagba-bike pauwi, ang malungkot na mukha lamang ni Mayumi ang naiisip niya.
Kinusot ni Tala ang tali niya sa buhok noong makauwi.
Gusto niyang tanggalin sa kaniyang isipan ang nangyari kanina katulad na lamang ng pagtanggal niya sa dumi sa ipit sa buhok ni Mayumi.
Akala niya hindi na babalik ito sa dati nitong kulay, pero heto ito ngayon at matingkad pa rin.
'Ba't ko ba kasi pinulot pa 'to.' isip ni Tala. 'Dali-dali namang bumili ng ganito, eh.'
Ito ang itinype niya para kay Mayumi, ngunit hindi niya magawang isend sa kaniya.
''Di na niya siguro kailangan 'to. Baka nga 'di niya hinahanap 'to, eh.'
Suot niya pa rin ang kaniyang uniporme, habang ang bag niya naman ay nasa baba ng kaniyang kama.
Naririnig niya ang tiktik ng butiki at alulong ng aso mula sa kabilang kalye.
7:45 PM na.
Nakatulala na siya rito at hindi gumagalaw simula noong mapatuyo niya ang lila na laso noong 6:00 P.M. Tinawag na siya ng kaniyang lola para kumain, ngunit nanatili pa rin siyang nakahiga at hindi umiimik.
'Dapat ba 'kong magsorry? Ba't ako magsosorry? May ginawa ba 'kong mali? Hindi naman mali 'yon, ah. Totoo naman lahat nang 'yon. Pero ba't parang mali?'
Ang paulit-ulit niyang itinatanong sa kaniyang sarili, hanggang marindi siya sa sarili niyang boses sa kaniyang isip.
Tumayo si Tala mula sa kaniyang kama upang halughugin ang kaniyang drawer. Kinuha niya ang lumang selpon na di-pindot mula sa kailaliman nito.
Binuksan niya ito at mabilis niyang pinindot ang mga button dito hanggang ito ay tumunog at mayroong lumabas na sulat.
BINABASA MO ANG
Spring Onions
RomanceMGA KARAKTER... Magaling magcutting sa klase si Tala, ngunit uubra kaya iyon sa terror nilang class president na si Mayumi? _______ ANG NILALAMAN... Hinahanap-hanap mo ba ang pakiramdam na maging isang Junior High School student, o isa kang Junior...