Noong pagbukas ni Mayumi ng pinto ng kanilang bahay, naamoy niya kaagad ang amoy ng tsokolate at butter.
Kaagad na pumunta si Mayumi sa kanilang kusina nang mayroong ngiti.
"You're baking?!" sabi niya mula sa pintuan.
Abala ang kaniyang Papa sa pagkuha ng bagong luto na cupcakes mula sa oven, ngunit mayroon nang nakahilera na mga cupcake sa lamesa at nakalagay pa sa tray.
Kumuha si Mayumi ng isa.
"Woah! It's a red velvet cupcake!"
Isinara ng kaniyang Papa ang pinto ng oven at humarap kay Mayumi nang nakasimangot. Suot-suot niya ang apron na mayroong floral patterns at makapal na pot holder gloves.
"Hindi pa rin sila umaalsa!" malungkot niyang sabi at inilapag ang bagong lutong cupcakes sa lamesa. Yumuko siya upang sinandal ang kaniyang noo sa lamesa. "Hay nako, pang-apat na subok ko na ito..."
"But it still tastes great, though." sabi ni Mayumi.
May laman na cupcake ang kaniyang bibig at mukha siyang hamster na nagtatago ng ilang linggo na pagkain sa loob ng kaniyang pisngi.
"Halata nga, kain ka na nang kain eh." sagot naman ng kaniyang Papa at nginitian siya.
Natawa nang bahagya si Mayumi.
Aaralin na sana ng Papa ni Mayumi ang kaniyang mga palpak na cupcake, ngunit napatingin muli siya kay Mayumi nang mayroong pagkabigla.
Maarte ang pitik ng kaniyang kamay noong itinuro niya ang suot na t-shirt ni Mayumi.
"Hindi ito sa'yo." sabi niya.
Napahinto si Mayumi sa pagkain ng cupcake at napatingin sa kaniya nang nakanganga.
Tinaasan lamang siya ng kilay ng kaniyang Papa at pinamewangan.
"'Nak naman, pinalaki kita for 13 years, sa tingin mo ba hindi ko alam ang style mo sa hindi?"
Isinara ni Mayumi ang kaniyang bibig at tumango.
"It's Tala's." sagot niya at humablot ng isa pang cupcake mula sa lamesa.
"Ang bilis niyo naman yata magbati?"
"We're classmates, so palagi kaming nagkikita. And hindi rin niya ako tinigilan. She kept following me around na parang sad puppy until pansinin ko siya."
"Iniwasan mo ba siya?"
Alam na ni Mayumi ang magiging reaksyon ng kaniyang Papa sa kaniyang sasabihin, kaya't nagkungware siya na abala sa pasuri sa tuktok ng cupcake na tabingi.
"Yeah." sagot niya at nagsalita kaagad noong maramdaman niya ang dismayadong tingin ng kaniyang Papa. "I know, I know! You told me noong Sunday na pansinin ko pa rin siya. But I just couldn't help it!"
Tumingin si Mayumi sa lapag.
"She really doesn't feel the same way about me, Papa. I didn't know how to feel about it."
Tiningnan ni Mayumi ang kaniyang t-shirt at hinawakan ang dulo nito.
"But I do now..." sabi niya nang mayroong ngiti. "I want... I want to cherish what we have. Ang friendship namin. That's what matters most more than my feelings for her."
Tahimik ang kaniyang Papa, kaya't naririnig na ni Mayumi ang mahinang ugong ng kanilang ceiling fan.
Tumingin si Mayumi sa kaniyang Papa.
Mayroong maliit na ngiti sa kaniyang labi at maunawain na ekspresyon sa kaniyang mukha.
"Mahal mo na siya."
BINABASA MO ANG
Spring Onions
RomanceMGA KARAKTER... Magaling magcutting sa klase si Tala, ngunit uubra kaya iyon sa terror nilang class president na si Mayumi? _______ ANG NILALAMAN... Hinahanap-hanap mo ba ang pakiramdam na maging isang Junior High School student, o isa kang Junior...
