Chapter 21. Ryan

251 22 58
                                    

2016
AGE: 9

"Pa'no naman kami maglalaro, ang 'onti namin, eh!" reklamo ng kalaro ni Ryan. "Ryan kasi, sabi mo may kasama ka? Duwag naman 'tulad mo!"

Tumingin si Ryan sa kaniyang paligid. Nakayakap siya sa kaniyang bola, puno ng pag-aalala.

"Sabi niya pupunta raw siya..."

"'Di bale na! Humanap ka na lang ng pamalit, 'di tayo pwede matalo dito!"

"Ako! Magaling ako, sali niyo 'ko?"

Maliit siya kumpara sa kanilang lahat. Kulang pa ang kaniyang ngipin sa harap kaya't para siyang pumipito habang nagsasalita.

Mas kapansin-pansin ang pagningning ng kaniyang mga mata dahil punong puno siya ng enerhiya.

Tiningnan siya mula ulo hanggang paa nina Ryan at kaniyang mga kalaro.

"Eh??? Babae ka eh!" sabi pa ng kalaro ni Ryan.

"Eh??? Babae ka eh!" ulit niya. Tapos tumawa siya. "Katunog mo lola ko, ikaw 'ata apo niya!"

Masaya siya.

Habang ang kalaro ni Ryan ay nagngingitngit na.

"Mas okay pa kulang kesa ikaw, mas matatalo pa kami sa'yo, eh!"

"Sa laro lang kayo talo sa'kin, kesa naman sa'yo, magulang mo talong talo na sa buhay nila na ikaw anak nila!"

Hindi pa rin nawawala ang saya sa kaniyang boses kahit matalim na ang mga lumalabas na salita mula sa kaniyang dila.

Napatakip ng bibig si Ryan.

Halos umusok ang ulo ng kalaro ni Ryan.

"Ano?!"

Inawat siya ni Ryan bago pa siya makalapit sa kaniya.

"Tama na nga. Lalo lang tayo 'di makakalaro sa ginagawa niyo."

Humarap siya sa batang babae na ito.

Mukha siyang kasing edaran nila, subalit parang hindi naman tugma ang tangkad niya rito.

May panghuhusga sa mga mata ni Ryan noong tingnan niya siya mata sa mata.

"'Wag mo kaming patalunin."

Nakita niya ang kislap sa kaniyang mata at ang pagkurba ng kaniyang labi noong ngumisi siya.

"Sa sarili mo da't sinasabi 'yan."

Natalo sila noon.

Pero sa kabila ng init ng ulo ng kalaro ni Ryan at kaniyang pagbubunganga sa kanilang bagong kalaro, nagulat pa rin si Ryan sa kaniya.

'Kaya din pala maglaro ng basketbol ng mga babae?

'Kala ko ba panlalaki lang 'to?'

Mabilis siya kung kumilos. Maliit siya kaya't hindi siya napapansin tuwing nasa kaniya ang bola. Higit sa lahat, hindi siya sugapa sa bola hindi katulad ng kaniyang mga kalaro na lalaki.

Siguro kung tinularan lamang siya ng kaniyang mga kalaro, nanalo pa sila.

"ANG BOBO BOBO MO NAMAN! Sabi na da't 'di ka na namin sinama. Ryan kasi ba't ka pa kasi pumayag? Kasalanan mo talaga 'to lahat!" napahawak siya sa kaniyang ulo. "Magmamayabang na naman 'yung mga 'yun! Sabihin lampa tayo!"

Kalmado lamang ang kanilang kalaro na babae. Para pa ngang nang-iinis pa siya dahil binabagalan pa niya ang pagsintas sa kaniyang sapatos habang nakangisi.

Noong matapos siya, pinagpag niya ang kaniyang kamay tapos hinarap siya.

"Weeytt," sabi niya. "May nagsasalita ba?"

Spring OnionsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon