MGA KARAKTER...
Magaling magcutting sa klase si Tala, ngunit uubra kaya iyon sa terror nilang class president na si Mayumi?
_______
ANG NILALAMAN...
Hinahanap-hanap mo ba ang pakiramdam na maging isang Junior High School student, o isa kang Junior...
Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
Nakatitig si Tala sa screen ng kaniyang selpon.
Basa ang kaniyang mga kamay dahil sa paghuhugas ng mga pinggan, kaya't kailangan pa niyang punasan ang screen upang mabasa nang maigi ang nakasulat dito.
'Ba't nandito si Mayumi?' isip niya 'Baka siya lang nautusan gumawa ng GC ta's aalis din.'
Nagsend siya ng tuldok sa GC para matanggal ito sa kaniyang message requests. Ganoon din ang kaniyang ginawa para sa isa pa nilang GC na para sa kanilang proyekto sa Science at TLE.
Tumunog ang selpon ni Tala noong magmessage si Mayumi sa GC.
Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
Tumunog muli ang selpon ni Tala noong magpersonal message si Mayumi sa kaniya.
Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
Nagtaka si Tala at nagsimulang magtype.
Mabagal siya magtype dahil iniisa-isa pa niya kasi ang bawat letra ng kaniyang keyboard gamit ang kaniyang hinlalaki, at mas lalo pa siyang nahirapan magtype dahil sa medyo basa niyang kamay.
Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.