T.W: Dugyot moments.
Enchanted City.
Iyon ang huli nilang pupuntahan na pinakaabangan ng lahat.
Marami itong rides, mapa-extreme man o chill lamang.
Hindi pa tumitirik ang araw kaya't hindi iinit ang kanilang ulo sa nakapapasong sinag ng araw, kaso nga lamang, parang nakapapagod ang dami ng tao rito sapagkat marami silang nakasabay na galing ng ibang eskuwelahan.
Napaliligiran sila ng mga estudyante na nakasuot ng iba't ibang estilo at kulay ng uniporme!
Nakilala ni Tala ang isa rito na mayroong linya ng dilaw sa kanilang maiksing itim na palda at simbolo ng araw sa dibdib ng polo.
Sinag Highschool.
Sa totoo lang, ang ganda ng uniporme nila kasi mukha itong pinaghalong Korean at Japanese, kaya't ganoon na lamang kataas ang noo ng mga estudyante nito habang iniyayabang ang kanilang suot.
Pero ordinary uniform lamang nila ang maganda, kasi ang P.E. nila ay...
Tiningnan ni Tala ang isang estudyante na nakasuot ng matingkad na dilaw na P.E. pants.
Umiling si Tala.
'No comment. Nagbabagong buhay na 'ko.' isip niya.
Nilagyan siya ng tatak sa kaniyang galang-galangan bago ngitian ng staff.
"Welcome to Enchanted City!" maligayang sabi sa kaniya.
"Thanks po."
Hinihintay siya ng kaniyang mga kasama sa entrance. Nagkukumpulan sina Mayumi, Chelsea, at Franchesca upang tingnan ang map na hawak ni Mayumi.
Isinuksok ni Tala ang kaniyang mga kamay sa bulsa ng kaniyang hoodie at tumayo sa likod ni Mayumi upang makita ito, kaso mas matangkad sa kaniya si Mayumi at nakaharang pa ang kaniyang nakalugay na buhok.
Hinawakan niya ang buhok ni Mayumi at hinawi ito sa kaniyang balikat upang dumungaw rito.
"Sa'n punta?"
_______
MEANWHILE...
Muntik nang mabitawan ni Mayumi ang kaniyang mapa noong dumampi ang kamay ni Tala sa kaniyang batok.
Ang lamig ng kamay niya!
"'Di pa kami sure." sagot ni Franchesca.
"Ba't naman?" sabi ni Tala.
Tumingkayad si Tala at halos nakapatong na ang kaniyang baba sa balikat ni Mayumi.
'Hindi niya makita.' isip ni Mayumi at napangiti. 'Ang short niya kasi!'
'Huh... If Tala did this to me before, baka hindi na ako makahinga sa kilig.
I think nasasanay na ako sa kaniya. After all touchy siya sa lahat ng kaclose niya.
Wala naman kasi itong malisya sa kaniya, so bakit ko bibigyan ng malisya?'
Sumang-ayon si Mayumi sa kaniyang sarili at itinaas ang kaniyang mapa at ibinaba ang kaniyang sarili nang bahagya upang makita ito ni Tala.
"Matagal ang pila." paliwanag niya kay Tala. "Lalo na here, here, at tsaka here."
Itinuro niya ang Shuttle to Space, Rollercoaster, at Vikings.
"Mayroon kasing ibang students. So I think mas convenient kung pipili tayo ng ride na kaunti lang ang pumipila."
Napangiti na rin si Tala at tumango nang tumango. Tumatama ang kaniyang buhok sa mukha ni Mayumi.
BINABASA MO ANG
Spring Onions
RomanceMGA KARAKTER... Magaling magcutting sa klase si Tala, ngunit uubra kaya iyon sa terror nilang class president na si Mayumi? _______ ANG NILALAMAN... Hinahanap-hanap mo ba ang pakiramdam na maging isang Junior High School student, o isa kang Junior...