Chapter 11. Palengke

343 20 25
                                    

Tingin nang tingin si Mayumi sa kaniyang paligid.

"Ngayon ka lang ba napunta sa palengke?" sabi ni Tala s kaniya.

Napatingin sa kaniya si Mayumi.

"Not really."

Ngayon ang araw na gaganapin ang Nutrition Month.

Magkasama si Tala at Mayumi na nag-iikot sa palengke, habang nakasunod naman ang kanilang mga kagrupo sa kanila.

Biglang umingay ang boys sa kanilang likuran, kaya't napalingon sina Tala at Mayumi sa kanila. Nagkukulitan na naman sila at baka makasagi pa ng mga panindang karne na nakahilera at nakadisplay.

"Boys?" tawag sa kanila ni Mayumi.

Hindi siya napansin ng mga ito.

"Boys!" sigaw niya.

Napahinto si Albert sa pagtulak kay Noah, habang sina Julian at Darwin naman ay napatigil sa pag-iinisan.

Para silang mga daga na nahuli sa kusina.

Nakalimutan ni Tala na sanay nga pala magalit si Mayumi.

Sa kabila ng malumanay at malambing niyang boses, kaya niya rin itong patalimin. Sobrang talim nito na parang batas ang kaniyang mga sinasabi. Kung labagin nila ito, hindi na sila sisinagan ng araw.

"Kung magkukulitan lang kayo rito, then just go home." sabi niya.

Sigurado si Tala na nakataas na rin ang isa niyang kilay.

Hindi na niya hinintay ang kanilang sagot. Nagpatuloy siyang maglakad nang kasabay si Tala.

"I think third time ko na sa palengke." sabi niya.

Naging kalmado na ulit ang kaniyang mukha at boses na parang walang nangyari.

"Kakagalit mo lang kanina ah?" sabi ni Tala.

Natawa si Mayumi.

"I'm not mad at you. So, dapat hindi ako galit kapag kausap kita."

"Grabe, so sweet naman." sabi ni Tala nang may mapang-inis na ngiti. "Pero balik tayo sa kanina, pa'no kayo nagluluto? May yaya ba kayo?"

Umiling si Mayumi.

"No. Papa ko kadalasang namimili sa palengke."

"Ano ba siya, househusband?"

"Something like that."

Bumagal ang paglakad ni Mayumi noong makakita siya na pusa na palakad-lakad. Sumuot ito sa ilalim ng puwesto ng isang may-ari at umakyat sa upuan, upang samahan ang iba pang mga pusa na nakahiga sa lamesa sa loob ng maliit na puwesto ng gulay.

Bakas ang tuwa sa mukha ni Mayumi.

Hinatak niya ang t-shirt ni Tala para ituro ito sa kaniya.

"Tala, look! May mga pusa siya!"

Nabigla si Tala sa paghablot sa kaniya ni Mayumi, pero napangiti siya sa itinuro niya.

"Oo nga! Dami niyang pusa!"

Nagpatuloy ang pagtuturo ni Mayumi noong makaikot sila sa palengke.

"Tala, may mga bunnies sila na itinitinda!"

"Tala, ang dami nilang candies na nakasabit!"

Hatak sa t-shirt ni Tala, tapik sa balikat, at pagtawag sa pangalan niya.

Sobrang saya ni Mayumi tuwing itinuturo sa kaniya ang mga ito. Hindi niya alam na palagi nang nakikita at nalalagpasan ito ni Tala kaya't hindi na ito espesyal sa kaniya.

Spring OnionsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon