"Good morning, Mayumi!" bati ni Ryan noong malagpasan siya.
"Good morning."
NakaP.E uniform ang lahat ng Grade 10 at may bitbit pang bag para sa pamalit nila na damit. Ibinaba na kasi ang anunsyo na sa Biyernes daw gaganapin ang kompetisyon para sa poster making, kaya't kinumbinsi nila ang kanilang guro sa P.E. na sa lunes na lamang ito ganapin.
Buti na lamang pumayag siya.
Pero ngayon, mukha tuloy silang naglayas mula sa sari-sarili nilang mga pamamahay.
'Next week na pala ang Nutrition Month.' isip ni Mayumi.
Tiningnan niya ang kalendaryo sa loob ng kaniyang locker. Halos anim na araw na lamang ang mayroon sila bago ganapin ang Nutrition Month.
Unti-unti nang nababalot ng kaba at pag-alala si Mayumi.
Wala pa silang nasisimulan sa mga fliers at stall!
Pasara pa lamang si Mayumi ng kaniyang locker nang may biglang sumagi sa kaniyang kanang balikat.
Sobrang lakas ng sagi nito na halos masubsob na siya sa kaniyang locker. Para siyang hinampas ng hollowblock dahil sa sobrang bigat din ng bag.
Nanlamig ang mga mata ni Mayumi noong lumingon siya rito.
"Aw, sorry." sabi ni Tala nang nakangisi. "Sorry, sinadya."
Lumapit si Mayumi sa kaniya.
At sinuntok siya sa kaniyang kanan na balikat.
Napaatras si Tala dahil sa puwersa nito at napasandal sa locker. Napahawak siya sa kaniyang balikat at hindi mapinta sa kaniyang mukha kung paano siya magrereakt. Mukha siyang kumain ng kalamansi kasama ang balat noong mamimilipit siya sa sakit.
"Feel that?" saad ni Mayumi, "Ganiyan kasakit!"
Lumipas ang ilang segundo, nanatili pa rin siyang nakayuko sa locker at nakahawak sa kaniyang balikat.
Si Tala na may nasasabi sa lahat ng bagay? Si Tala na ubod nang ingay ng boses at palaging may reklamo?
Bigla na lamang tumahimik?
Teka, may mali na yata rito!
Kaya't nag-alala na si Mayumi at nilapitan siya.
"Tala? Masyado bang napalakas?"
Unti-unting lumingon sa kaniya si Tala. Nakahukot pa rin siya at mukhang aso na sinipa at iniwanan sa kalye.
"Oh no, I'm so sorry..." sabi ni Mayumi.
"Ayoko," sagot ni Tala. "Magtatanim ako ng sama ng loob...!"
"But you started it!"
"Pero ba't ang lakas naman ng iyo?!"
"I didn't mean to, and I'm really sorry!"
Nakanguso si Tala at magkasalubong ang kaniyang mga kilay. Ito ang kaniyang 'nagtatampo' na mukha. Iba ito sa kaniyang naiinis at nagagalit na ekspresyon, dahil direktang nakatingin si Tala sa mata ni Mayumi upang magpaawa.
Nagsisi si Mayumi.
Kaya't biglang lumabas ang ngiti ni Tala.
Tumayo siya nang maayos na parang walang nangyari at bumalik sa kaniyang pagiging maangas at masigla.
Nagkibit-balikat siya.
"Joke lang, 'di naman talaga masakit." sabi niya.
Napahinto si Mayumi at unti-unting tumango habang nilalapitan si Tala.
BINABASA MO ANG
Spring Onions
RomanceMGA KARAKTER... Magaling magcutting sa klase si Tala, ngunit uubra kaya iyon sa terror nilang class president na si Mayumi? _______ ANG NILALAMAN... Hinahanap-hanap mo ba ang pakiramdam na maging isang Junior High School student, o isa kang Junior...