Chapter 6. Mayumi

325 24 18
                                    

Maingay ang canteen dahil sa sama-samang mga boses ng mga estudyante. Ito ay punong puno ng mga babaeng estudyante na nakasuot ng uniporme. Magroon sila na mahaba na palda na abot sa kanilang bukung-bukong, matataas na medyas, at matingkad na asul na jacket.

Marami sa kanila ang magkakasama sa lamesa at nagtatawanan sa kanilang pinag-uusapan. Sila ay mayroong kani-kanilang mga kaibigan.

Mayroong dalawa, tatlo, o higit sa lima.

Wala sa kanila ang nangungulila.

Habang si Mayumi ay nag-iisa, at hanggang sulyap na lamang sa kanilang mga masasayang usapan.

Ngunit hindi na simula ngayon, dahil tatanggalin niya ang kaniyang hiya upang makipagkaibigan sa iba!

Hinawakan niya nang mahigpit ang gilid ng kaniyang tray at lumapit sa isang grupo na mukhang kasing edad niya.

"Hello!" simula niya, "Puwede ba akong maki-upo?"

Nanahimik ang lima at tumingin sa kaniya, tapos nagtinginan sila.

Hindi mabasa ni Mayumi ang kanilang mga ekspresyon. Mahirap masabi kung sila ba ay nanghuhusga o nag-iisip.

Nanlamig ang mga kamay ni Mayumi, ngunit kuminang ang kaniyang mga mata noong ngumiti sa kaniya ang isa sa kanila.

"Sure! Here, dito ka sa tabi ko." sabi ng isa sa kanila na mayroong maamong mukha. "What section are you?"

Umangat ang ulo ni Mayumi noong may humintong jeep sa harapan niya. Tiningnan niya muna nang maigi ang nakapaskil na lugar sa gilid ng dyip bago sumakay.

Dati-rati, may maliit na ngiti sa gilid ng kaniyang labi kapag sumasakay ng dyip, ngunit hindi ngayon.

Puno ng pasahero ang loob ng dyip.

Nanlamig ang kalamnan ni Mayumi noong mapatingin sila sa kaniya, ngunit nawala rin ito noong umusod sila upang magkaroon ng maliit na uwang sa may kanang bahagi ng dyip.

Walang ibang opsyon si Mayumi kung hindi ipagsiksikan ang kaniyang sarili sa pagitan ng isang matandang babae at pawisan na lalaki. Malapit na siyang dumausdos sa lapag dahil sa sobrang liit ng upuan.

Nahirapan siya sa pagbunot ng kaniyang pitaka at magbilang ng barya dahil sa sobrang sikip sa loob ng dyip.

"Sa pagbaba po ng tulay." sabi niya at inabot ang bayad sa katabi niya. "Paki-suyo na lang po, thank you po."

Maliwanag pa sa labas, ngunit halata ni Mayumi na pagod na ang iba pang mga pasahero.

Hindi nagtagal noong makita na niya ang labas ng village.

"Para po!" sigaw niya.

Ngunit hindi ito narinig ng drayber kaya't nalapagsan nila ito.

Nag-alala si Mayumi kaya't napalingon siya sa gawi ng drayber.

"Kuya, para po!" sigaw niya.

Huminto na rito ang dyip, at muntik nang masubsob si Mayumi paharap, buti na lamang nasalo niya ang kaniyang sarili.

Bumaba siya ng dyip at napabuntong hininga sa layo ng kaniyang kailangan pa na lakarin.

Spring OnionsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon