Chapter 15. Totoo

442 32 61
                                        

'I'm great at lying.

But why does it feel so hard to say that I don't like her?'

Nakauniporme pa rin si Mayumi dahil kakauwi pa lamang niya mula sa bahay ni Tala.

Nakaupo siya sa lapag ng kaniyang madilim na kwarto at nakayakap sa kaniyang binti. Nakadikit ang kaniyang magkabilang tuhod sa kaniyang dibdib at nakasubsob naman ang kaniyang mukha sa kaniyang tuhod.

Tumunog ang kaniyan selpon at umilaw, inangat ni Mayumi ang kaniyang ulo upang sulyapan ito.

"I wouldn't be surprised if kagaya mo rin sila

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

"I wouldn't be surprised if kagaya mo rin sila."

Umaalingawngaw sa utak ni Mayumi ang boses ni Catherine na matamis ngunit puno ng poot.

'No. Catherine is wrong. I'm not like that.

I'm not.

But I've never felt this way before for someone. It feels light and natural. I can't control it and it's driving me crazy.'

Kinuha ni Mayumi ang kaniyang selpon at pinatay ito nang tuluyan.

'This will fade eventually. I know it will and I will make sure of it.

I can't like Tala.

I don't want to like Tala.

Because liking Tala will mean I can lose her forever.'

_______

Hindi malaman ng Dad ni Mayumi kung ano ang kaniyang nararapat na gawin.

Pagkatapos umupo ni Mayumi sa kaniyang upuan sa hapagkainan, wala na siyang ginawa kung hindi panoorin ang kaniyang mabagal na paghalo ng kaniyang mainit na inumin na tsokolate gamit ang kutsara.

Tumingin ang Dad ni Mayumi sa kaniyang asawa at tumingin muli kay Mayumi.

"Kausapin mo na." sabi ng kaniyang asawa nang walang lumalabas na salita sa kaniyang labi.

Nahihiyang umiling ang Dad ni Mayumi.

"Kausapin mo na, dali!" sabi sa kaniya nang may mahinang pagtulak sa kaniyang balikat.

"Hays!" sabi na ng Papa ni Mayumi.

Napahinto si Mayumi sa paghalo ng kaniyang inumin at napatingin sa kaniyang mga magulang.

"Sa ating dalawa ikaw 'yung pinakamaalalahanin pero hindi ka naman makapagsalita!"

"But you're the emotional one! You know naman that I'm not good at this."

Spring OnionsStories to obsess over. Discover now