Chapter 23. Tinola

178 14 16
                                    

Agosto 29 ng Martes ang araw ng pagbalik-eskuwela nila. Wala silang hingahan dahil diretso exam sila kaagad. Hindi naman nabahala si Tala sapagkat ESP ang una nilang eexamin bago magbreaktime. Para sa kaniya, madali naman iyon dahil mayroong multiple choice at common sense lamang ang labanan sa pagsasagot.

Tinanong siya kung ano gagawin niya kapag may nakita siyang singkwenta sa lapag, syempre sinagot niya letter C. kukuhanin niya. Hindi ba sabi nga nila, take every C-tuation as an opportunity?

Proud na proud pa si Tala na ipinasa ang kaniyang papel, hindi niya alam na siya lamang sa buong eskuwelahan nila ang makakakuha ng pasang-awa na score sa ESP.

Hindi pa rin pumapasok si Mayumi hanggang ngayon. Apat na araw na ang lumipas ngunit masama pa rin ang kaniyang pakiramdam.

Tumunog ang bell at iyon ang udyak na puwede na silang magbreaktime.

Mukhang normal na araw lamang para sa kanilang lahat, ngunit alam ni Tala na mayroon nang nagbago. Nasa canteen sila ngayon at hindi niya maiwasang tingnan si Ryan sa malayo na nakaupo ngayon sa may lamesa at nagrereview para sa English nang mag-isa.

Nanapansin niya na tinitingnan din siya ng kanilang mga kaklase nang mayroong awa bago pagbulungan.

Hindi niya marinig kung ano ang kanilang pinagbubulungan, ngunit mayroon na siyang kutob. Huling pagkakaalam niya aamin si Ryan kay Mayumi, hindi kaya nareject siya?

Alam niyang may kasalanan pa siya kay Ryan kaya't maaaring hanggang ngayon may hinanakit pa rin siya sa kaniya. Sa mga ganitong pagkakataon, hindi niya alam kung ano ang gagawin, kaya't kadalasan mas gusto na lamang niyang umiwas. Masyado kasing komplikado.

Ngunit susubukan niya pa rin.

Umalis si Tala sa pila at maingat na lumapit kay Ryan upang hindi siya aksidenteng makasagi ng kaklase na may dalang pagkain. Maulan ngayon kaya't lugaw at tokwa't baboy ang ihinanda ng canteen.

Hinatak ni Tala ang upuan sa tapat ni Ryan at umupo rito. Napansin siya ni Ryan kaya't ibinaba niya ang kaniyang binabasa at biglang nagmukhang guilty.

Malungkot ang kaniyang mga mata noong tumingin siya sa lamesa at tila hindi makatingin kay Tala.

"'Musta, Ryan?" sabi ni Tala kaya't napatingin sa kaniya si Ryan nang mayroong pagkabigla.

Noong makita niya na walang hinanakit o galit si Tala, doon siya unti-unting ngumiti.

"Okay lang naman."

Napanatag si Tala noong marinig iyon. Iyon lamang ang gusto niyang marinig. Aalis na sana si Tala ngunit naramdaman niya na parang may gusto pang sabihin si Ryan sa kaniya, kaya't hindi niya na lamang itinuloy.

"Kumusta naman kayo ni Mayumi?" sabi pa ni Ryan.

'Bakit mas concerned pa siya sa'min ni Mayumi kaysa sa kaniya na nareject?'

"Okay lang din."

Biglang tumahimik sa pagitan nilang dalawa. Ang awkward. Ilang taon na rin kasi ang lumipas noong huli sila mag-usap, bata pa rin kasi sila noon kaya parang ang daling makaisip ng pag-uusapan. Pero ngayong tumanda na sila, pati sila nagbago na rin.

Tumingin si Tala sa reviewer ni Ryan na hindi niya ginagalaw dahil nandito siya.

'Naaabala ko yata siya.'

"Sige na, mauna na 'ko." sabi ni Tala at inusod ang kaniyang upuan.

Napatingin sa kaniya si Ryan.

"Tala, saglit."

Spring OnionsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon