Amara
I'TO na yung araw na aalis ako papuntang maynila para tuparin lahat ng mga pangarap namin nila ita'y. Ito na rin yung araw na mawawalay ako sa kanila ng matagal.
"A-anak mag iingat ka don a" maiyak iyak na ani ni mama tumango tango naman ako kase kanina niya pa sinasabi yun sakin.
"Opo ina'y mag iingat po ako, dapat mag ingat rin kayo." Nakangiting ani ko hinawakan naman ni ina'y yung kamay ko.
"Laging alagaan yung sarili mo don a. Kumain ka sa tamang oras at tamang pagkain." Ani niya muli lumapit naman si ita'y samin.
"Mag ingat ka roon Amara, ako nang bahala sa ina'y mo basta tuparin mo lang ang mga pangarap mo." malambing na ani niya at hinaplos ang buhok ko.
"Opo ita'y alagaan niyo pong dalawa yung sarili niyo lalong lalo kana ina'y a, wag po kayo masyadong nag papagod." Ani ko at niyakap ko silang dalawa namimiss ko silang dalawa.
Pagkatapus naming magpaalam sa isa't isa ay sumakay nako sa tricycle pero bago ako makasakay napatigil ako dahil sa pag sigaw ni aling tasing.
"Amara mag ingat ka roon, ito o pabaon ko sayo ha." Ani niya at inabot sakin yung tuper were na may lamang kanin at ulam.
"Ingat ka doon maria makiling, sabihin mo lang kung may nananakit sayo reresbakan ka namin." Ani ni mang kepoy tumatawa naman ako dahil don.
Sumakay nako sa tricycle at umandar na ito bago ako makalayo sa kanila kumaway muna ako. "Goodbye maria makiling!" Sigaw ko at umayos na ng upo
Sana maging tagumpay ng paglalakbay kong ito. Sana rin kayanin ko lahat ng pagsubok na darating sakin. Sana mag karoon ako ng bagong kaibigan sa paaralang iyon.
Wish me luck maria makiling.
•••••
INABOT ng ilang minuto bago ako makarating sa terminal. Bumaba nako at nagbayad may manong. "Ingat ka doon a maria makiling." Ani ni manong oskar sakin at umalis na.
Karamihan sa mga kapit bahay namin ay tawag sakin maria makiling dahil daw sa taglay kong ganda at kabutihang loob katulad ng diwatang si maria makiling na taga-pangalaga ng Mount makiling. Hinayaan ko na lang natawagin nila akong maria makiling ayos lang naman sakin.
Sumakay nako sa bus papuntang maynila hinintay lang namin na mapuno ito bago umandar. Kinain ko na rin ang pinabaon ni aling tasing sakin.
Natulog lang ako buong byahe para naman hindi ako masyadong mapagod. Nagising na lang ako ng andito nako sa terminal ng maynila.
Bumaba nako pati na rin yong mga nakasabay ko sa bus. Ngayon naman ay sasakay ako ng jeep para makarating sa Lorenzo University.
Hindi nako mag aalala kung saan ako titira dahil ang paaralan na yon ay may dorm. Yon ang isa sa dahilan kong bakit gusto ko ditong makapasok.
Hindi ko iisipin ang buwan buwan na pambayad sa upa at iba pang kailangan bayaran. May dumating naman na jeep sa harapan ko kaya sumakay nako hanggang sa napuno ito.
Isang bises na rin kase akong nakarating dito nong bata ako buti na rin at tanda ko pa kung pano ang mabuhay dito sa maynila.
Tumira kami rito noon ng isang buwan dahil sa dito nakatira noon ang mga magulang ni ina'y pero nong namatay sila bumalik kami sa Laguna mas maganda kaseng doon tumira iwas sa polusyon.
"Miss paabot naman ng bayad ko." Napatingin ako sa katabi ko at kinuha ang perang pambayad niya kumuha na rin ako ng pambayad ko at inabot naman ito sa may malapit kay manong driver.
Inabot ako ng ilang minuto dito sa jeep, napatingin ako sa labas ng makita ko yung Lorenzo University kaya pumara nako.
"Para po manong!" Pinarada naman ni manong sa gilid kaya bumaba nako. Naglakad nako papunta sa harap ng university.
Pagkarating ko papasok na sana ako ng hinarangan ako ng guard. "Studyante kaba?" Tanong ni manong guard.
"Opo manong transferee." Nakangiting sagot ko kaya hinayaan na niya akong makapasok sa loob. Namangha ako dahil sa ganda ng loob ng university ang ganda.
An'lawak ng lugar grabe, nilibot ko naman buong paningin ko habang naglalakad. "Aray" napadaing ako ng may nabangga akong kung ano.
Nagangat ako ng tingin pero napatigil ako sa nakita ko. Ang gwapo naman niya, para siyang artista o kaya naman modelo pero may nararamdaman akong kakaiba na para bang nakita ko na siya.
"Are you ok miss?" Natauhan ako ng nagsalita siya kaya napailing iling ako. Tumayo naman ako ng tuwid at umubo ng peke.
"Ahm ok lang ako, pasensya na." Hinging paumanhin ko. "Am the one who say sorry miss, sorry hindi ako tumingin sa dinaraanan ko." Nakangiting ani niya ngumiti naman ako.
"By the way, I'm Clarence Carter Florida and you are?" Ani niya at nilahad yung kamay niya sa harap ko tinanggap ko naman ito.
"Amara, Amara Celine Infantes." Nakangiting ani ko at binawi yung kamay. "Transferee?" Tumango naman ako.
"Ikaw?" Tanong ko "No, matagal nako rito" nagsimula naman kami maglakad hindi ko alam kung saan kami patungo pero sinusundan ko lang siya.
"Ah pwede bang samahan muko sa dorm, kung pwede lang naman?" Nahihiyang ani ko nakakahiya naman kase ngayon lang kami nagkakilala tapus humingi ako agad ng pabor.
"Of course let's go." Ani niya at nagsimula na kami ulit naglakad may mga tinuro naman siya sakin katulad na lang kong asan yung library, office ng dean, kahit ano ano pa.
Hanggang sa nakarating kami sa isang building. Dito na siguro yung dorm ng mga babae. "Hanggang dito na lang kita mahahatid, no boys allowed kase sa loob ehh." Sabi niya.
"Ayus lang thank you sa pag sama." Nakangiting ani ko ngumiti naman siya. "Your welcome, aalis na rin ako, nice to meet you beautiful Amara." Nakangiting ani niya medyo uminit pa yung magkabilang pisnge ko dahil sa sinabi niya.
"Nice to meet you too." Ani ko umalis naman na siya kaya ako na lang ulit mag isa. Pumasok na rin ako sa loob para naman makarating nako sa dorm ko.
Pagpasok ko sa loob nakita kong may mga studyante na rin pero uunti lang sila. Lumapit naman ako don sa isang babae yung parang nagbabantay ng building kung sino ang papasok ganon.
"Hi miss." Nakangiting ani ko tumingin naman ito sakin ng blangko. Nako mukha atang masungit, "What can I do for you?" Nakataas kilay na tanong niya.
"Ahm transferee, I'm Amara Celine Infantes." Kahit na mukha siyang masungit ngumiti parin ako kahit na alangan.
May hinanap naman siya sa textbook na hawak niya mukha pangalan ko ata hinahanap niya." Hmm your room is room C147, you my go." Ani niya.
"Ahm thank you." Ani ko at umalis na sa harap niya baka kase lalo niya akong sungitan at baka batuhin pako ng textbook na hawak niya.
Pumasok naman ako sa elevator na meron dito at pinindot ko yung letter C. Kong sa mga kompanya mga number ang nakalagay dito naman ay letter. Ang genius naman ng nakaisip.
Hinintay ko lang na bumukas yung elevator. Nang bumukas na ito lumabas na rin ako at naglakad para hanapit yung room number ko.
C140
C141
C142
C143
C144
C145
C146Ayun nahanap ko na. Binuksan ko yung papel na binigay nila sakin kasama nung resulta nong nakaraan. Nakita ko rito kung ano ang password na meron at 67583 yung password.
Nang mabuksan ito pumasok na rin ako. Ang nabungaran ko ay isang pang isahang kama at may maliit na living room meron na rin banyo at kusina.
Nilapag ko muna yung mga bagahe ko dahil mamaya ko pa ito aayusin mag papahinga muna ako. Pagod na pagod ako sa byahe. Humiga nako sa kama kahit pa hindi ako makapagbihis hindi ko naman namalayan na nakatulog nako.
The reader's vote will be greatly appreciated by the writer
• HAPPYTEEDBEAR
BINABASA MO ANG
The Quadruplets Psychopaths | ✓
RomanceMeet, Amara Celine Infantes, Amara just wanted to fulfill her dreams in Manila but she didn't think that her quiet life would be disturbed.She just wanted to study but because of four siblings, her studies became chaotic. She also did not think that...